Sa mga nahihirapan mabuntis ito ang 6 na paraan upang mabuntis

0
591

Kung may pinakamalaking biyayang matatanggap ng mag-asawa sa buhay na ito, iyon na marahil ay ang pagkakaroon ng anak. Ito ay kinasasabikan at tunay na hinihiling ng mga-asawa. Gusto nilang bumuo ng isang pamilya kung saan mayroon silang mga anak na aalagaan at aarugain nila sa abot ng kanilang makakaya. Ito ay isang kasiyahan para sa mga gustong maging nanay at tatay, ang makitang lumaki ang kanilang mga anak ng mabuti dahil inalagaan at pinalaki sila ng mabuti. Kaya naman, talagang sinusubukan ng mag-asawa ang lahat ng paraan para lang sila ay magka-anak.

Mayroong mga sinuswerte na matapos ang kasal ay nabubuntis na agad ang babae. Mayroon ding mga mag-asawa na kailangan pang maghintay ng taon bago sila makabuo. Ang nakalulungkot pa ay mayroon ding mga hindi biniyayaan hanggang sa sila ay nagsitanda na. Totoong hindi madali ang proseso upang mabuntis ang isang babae kaya naman ang ilan ay sumusuko na at hindi na sumubok pa. May mga pagkakataon pa nga na ang hindi pagkakaroon ng anak ang nagigib sanhi ng paghihiwalay ng mag-asawa. Ngunit alam niyo ba na may mga paraan upang mapadaki ito? Sa mga mag-asawang naghahangad ng anak, mabuting basahin niyo ito upang mas tumaas ang posibilidad na magkatotoo ang inyong hinihiling.

Una sa lahat, dapat tandaan na hindi dahil araw araw ay sumusubok kayong mag-asawa na makabuo ay mas mataas na ang tyansa na ito ay mangyari. Ito ang karaniwang pagkakamali ng marami kaya naman halos gabi gabi ang pagtatalik ng mga gustong magka-anak. Ngunit hindi naman kailangan na gawin ito palagi, kailangan lamang ng tamang “timing” at panahon kung kelan niyo ito gagawin. Mayroon kasing panahon kung saan “fertile” o maaaring mabuntis ang isang babae. Ito ay ang labingapat (14) na araw bago datnan ang babae ng kaniyang buwanang dalaw. Sa panahong ito ay mas mataas ang tyansa na mabuntis ang isang babae kaya mas maganda kung sa mga araw na ito kayo susubok.

Hindi man kailangan araw araw, hindi rin naman kailangan na limitahan ang aktibidad na ito ng mag-asawa. Mayroong mga tao kasing naniniwala na kapag araw araw itong ginawa ay hihini ang sperm ng lalaki kaya hindi nabubuntis ang babae. Mali ang paniniwalang ito dahil gaya nga na nabanggit na, may araw na malaki ang posibilidad na mabuntis ang babae, at mayroon din namang mababa ang tyansa nito. Makakatulong din ang paggamit ng nineral oil lubricants upang mas mapadali ang pagdaloy ng sperm. Sa katunayan nga ay natuklasan ng mga eksperto na animnapung porsyento ng sperm ang matagumpay na dumadaloy kung gumagamit ng mineral oil lubricants ang lalaki. Dahil mataas ang porsyento ng dumadaloy na sperm ay mataas din ang posibilidan na mabuntis ang babae.

Isang bagay na mahalagang bantayan ng mag-asawang nagnanais magka-anak ay ang mga pagkain na kanilang kinokonsumo. Mahalagang kumain ng mga masusustansyang pagkain dahil dito nakasalalay ang sustansya ng katawan, samakatuwid ng lakas ng mga produksyon ng mga hormones ng katawan. Importante rin na bantayang maigi ang timbang hindi lamang ng babae o lalaki, kundi timbang nilang dalawa. Dapat ay nasa “avergae” na timbang lamang ito ng BMI o Body Mass Index, na pumapatak mula 18.5 hanggang 25 BMK. Hindi maganda kung bababa ito dito o maging “malnourished”, o kaya naman ay tumaas na tinatawag na “obesity”.

Mahalaga ito dahil ang timbang ay malaki ang epekto sa pagbubuntis. Sa panig ng kalalakihan, ang mataas na timbang o obesity ay nakakaapekto sa produksyon ng hormone sa katawan. Kapag mataas ang timbang ay bumababa ang produksyon ng “testosteron”, na siyang responsable naman sa sperm function and production. Sa kababaihan naman, naaapektohan ng timbang ang estrogen level kaya mahalagang bantayan din ang timbang. Isa pa, kug mabuntis ang isang babae, mahihirapan siya da panganganak kung siya ay sobra sa timbang. Kaya naman, ugaliing mag-ehersisyo at kumunsulta na rin sa inyong doktor upang malaman kung ano ang maaaring gawin upang pumayat sa tamang paraan.

Iwasan din naman ang pagiging mainipin at matutong maghintay. Minsan kasi, sa sobrang kagustuhan ng mag-asawa na magkaroon ng anak, ay minamadali na nila ang maraming bagay. Halimbawa na lamang, mahuli lanng ng kaunti ang buwanang dalaw ni misis ay iniisip na agad nilang buntis ito, kaya agad silang nagpagilalim sa isang pregnancy test. Ang madalas na paggawa ng mga ganitong tests ay nakakaapekto sa pagbubuntis kaya dapat ay matutong maghintay ang mag-asawa. Ang pagkakaroon ng anak ay isang biyaya kaya hindi dapat ito minamadali.

At panghuli, dapat ay matutong matulog sa tama at sapat na oras ang mag-asawa. Ang pagulog o pagpapahinga ay nakaugnay sa maramig aspeto ng ating kalusugan at isa na diyan ang pangpbubuntis. Una sa mga kalalakihan, kapag kulang sa tulog ay nababawasan din ang produksyon ng melatonin sa katawan. Dahil dito ay nababawasan din ang produksyon ng sperm, na isa naman sa mga sanhi kung bakit hindi mabunis ang isang babae. Isa pa, limitahan din, kung di man tuluyang maiiwasan, ang paggamit g kahit anong gadget sa gabi dahil naiistorbo nito ang ating “sleeping pattern”. Ang paggamit halimbawa ng mga social media gaya ng Facebook at Instagram sa gabi ay nakakaapekto sa ating pagtulog kaya dapat itong bantayan.

Totoo naman na kapag humiga tayo sa gabi ay hibdi agad tayo makakatulog. Kaya naman ang iba ay gumagamit muna ng kanilang mga cellphone at nagpapa-antok. Subalit  hindi maganda ang epekto nito sa ating kalusugan lalo pa at meron itong “blue light” na masama sa ating mga cells. Kaya naman, mas maigi na magbasa na lamang ng libro, o kaya ay makipagkuwentuhan sa iyong asawa kung talagang hindi ka pa makatulog. Kahit ano ang gawin niyo basta iwasan na lang na gumamit ng cellphone, tablet, at iba pang kauri nito.

Tandaan no lamang ang mga bagay na ito at mapaapataas mo na ang posibilidad na mabuntis ang isang babae. Ngunit  tandaan din na mayroon pang ibang mga bagay na pwedeng maging dahilan kung bakit hindi magka-anak ang mag-asawa. Maaaring dahik may problema sa reproductive system ang isa sa kanila kaya mas maiging ano man ang mangyari ay magpakunsulta sa doktor. Tutulungan nila kayo para sa inyong pagpaplano at magrereseta pa ng mga gamot na makakatulong sa inyo kung kinakailangan. Huwag ding kahiyaan na pag-usapan ito ng mag-asawa dahil normal naman ang kagustuhang magka-anak. Kaya sa mga naghahangad ng pinakamagandang biyayang ito, alam niyo na ang gagawin!

Leave a Reply