Pinakamabisang pagkain para sa hypertension, cholesterol, heart attack at stroke

0
3998

Kung isa ka sa mga tao na gusto ng isang super healthy food upang magkaroon ng maganda at malusog na pangangatawan ay mapalad ka sapagkat natagpuan at kasalukuyan mong binabasa ang artikel na ito na siyang lubos na makatutulong sa iyo.

Ang pagkain na iyong hinahanap ay ang dates o date palm na siya ring kilala bilang Phoenix dactyliferous, na isang kilalang uri ng species na namumulaklak na galling sa palm family ng Arecaceae at ito rin ay kilala ng dahil sa kanyang matatamis na prutas.

Ito ay kadalsang ginagamit upang mabigyan ng natural at epektibong panlunas ang iba’t ibang klase ng sakit at isyu sa kalusugan kagaya na lamang ng cholesterol, hypertension at maging ng stroke. Ngunit bago natin ipagpatuloy ang gamot na ito, alamin muna natin kung ano ba ang mga sakit na ito:

Cholesterol

Ang cholesterol ay kilala bilang isang malapot na klase ng taba o lipid na siyang nagmula sa atay. Ito ay kinakailangan ng katawan ng tao para sa paggawa ng cells, horomes at maging ng Vitamin D. Kasama rin ito sa komposisyon ng cells at tumutuling din ito sa pagtunaw ng mga laman sa loob ng tiyan. Bukod sa supply ng katawan, maaring makuha ang cholesterol at triglycerides sa mga pagkain na siyang kilala bilang cholesterol foods. Ang triglyceride, na katulad na lamang ng cholesterol ay lubhang mapanganib kung magkakaroon ng labis nito sa loob ng katawan na siyang nagdudulot ng iba’t iba pang sakit at komplikasyon.

Hypertension

Ang hypertension o mas kilala bilang high blood pressure ay ang labis na taas ng blood pressure na siyang dumadaloy sa mga ugat. Kapag nagpatuloy ang ganitong klase ng karamdaman, ang malakas na puwersa sa pagdaloy ng dugo ay maaring makapinsala ng mga ugat at maari ring makaapekto sa tibok ng puso. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga pagputok ng ugat na siyang nagdudulot ng iba’t ibang klase ng sakit at komplikasyon. Ito rin ay maaring magdulot ng malulubhang komplikasyon katulad na lamang ng atake sa puso, stroke at maging sakit sa bato kaya nararapat lamang na panatilihin ang normal na blood pressure.

Stroke

Ang stroke ay kilala bilang isang uri ng kondisyon na kung saan nahaharang o nalilimitahan ang maayos na supply ng dugo sa utak dahil sa ilang mga kadahilanan. Dahil sa pangyayari na ito, ang indibidwal ay mahihirapang kontrolin ang kaniyang mga paggalaw, pananalita, pagiisip at maging ang ilang paggana ng iba’t ibang parte ng katawan. Maari rin nitong maapektuhan ang kamalayan ng taong kasalukuyang dumaranas ng stroke at ang pinaka malala ay humantong sa pagkaka coma.

Mabuti na lamang at mayroong isang natural at epektibong pagkain na siyang makatutulong upang mabigyan ng lunas ang ganitong klase ng mga kondisyon at upang hindi na tuluyang lumala pa. Ang prutas na ito ay lubhang mayaman sa iba’t ibang klase ng mga nutrients na siyang makatutulong para magkaroon ng isang malusog at malakas na pangangatawan upang malaban ang mga sakit na ito. At iyan ang ibabahagi sa inyo ng artikel na ito.

NARITO ANG MGA PAKINABANG NA INYONG MAKUKUHA MULA SA PRUTAS NA ITO:

1. Ito ay mayaman sa Iron

Ang prutas na ito ay lubhang makatutulong para sa mga taong mayroong anemia, maging sa mga bata at sa mga buntis. Ang 100 grams ng dates ay mayroong mahigit 0.90 milligrams ng iron. Ito ay sinasabing kapantay ng 11% na daily recommended intake ng irono araw araw na kinakailangan na iron ng katawan. Ang iron ang siyang nagaalaga sa hemoglobin at sa red blood cells upang magkaroon ng mabuting pagdaloy ng oxygen sa dugo.

2. Ito ay mayroong kakayahan na pigilan at itigil ang Diarrhea

Ang dates ay sinasabi na mataas din sa potassium, isang mahalagang mineral na siyang nakatutulong upang mabigyan ng lunas ang diarrhea at upang mapadami rin ang healthy bacteria sa loob ng tiyan.

3. Ito ay makatutulong para sa Constipation

Ang pagkain na ito ay sinasabing mabisa rin bilang panlunas sa constipation. Maglagay lamang ng ilang piraso ng dates sa tubig sa buong gabi at sa umaga ay inumin mo ito upang mas mapabilis ang digestion. Ito ay isang katamtaman at epektibong laxative na lubhang makatutulong para sa iyong tiyan.

4. Ito ay mayroong kakayahan na makatulong sa timbang 

Ang dates ay mayroong nutrients na siyang makatutulong sa pag alis ng sobrang fat tissue sa loob ng katawan. Kainin mo ito habang wala pang kahit na anong laman ang iyon tyan sa umaga. Kahit na ba sinasabi na wala itong taglay na cholesterol ay mataas naman ang sugar nito kaya nararapat lamang na limitahan mo parin ang iyong sarili sa pagkonsumo ng prutas na ito.

5. Ito ay makatutulong sa pagkontrol ng antas ng cholesterol sa katawan 

Ang dates ay mayroong kakayahan na makatulong upang tuluyang malinis ang bad cholesterol o kilala rin bilang LDL sa loob ng katawan. Nililinis din nito ang mga blood vessels at pinipigilan nito ang fats para bumuo ng clots sa mga daluyan ng dugo na siyang papunta sa puso.

6. Ito ay ay mayroong kakayahan na palakasin ang puso 

Upang magkaroon ka ng isang malakas at malusog na puso, kinakailangan mo lamang ibabad ang dates sa tubig sa loob ng magdamag. Sa umaga, salain mo ito at alisin ang mga buto. Ang mga buto na ito ay maaring mo ring iblender at kainin.

7. Ito ay makatutulong sa pagkontrol ng blood pressure

Ang dates ay nagtataglay ng potassium at ito ay walang sodium kaya sinasabi na ito ay mabisa para sa taong mayroong high blood pressure o kilala rin bilang hypertension. Bukod pa dito, ang lima (5) hanggang sa anim (6) na piraso ng dates ay nagtataglay ng 80 milligrams ng magnesium. Ang mineral na ito ang siyang tumutulong sa pagbukas ng blood vessels para sa mas mabuting pagdaloy ng dugo. Sa 370 milligrams ng magnesium, ito ay mabilis na makakapagpababa ng antas ng blood pressure.

8. Ito ay mayroong kakayahan na pigilan ang stroke

Ang dates ay lubhang mainam at epektibo sa pagpapanatili ng isang malusog na nervous system. Ito rin ay nakatutulong upang mapigilan ang stroke ng dahil sa taglay nitong potassium. Ang 400 milligrams na potassium sa pang araw araw ay lubhang mabisa upang mabawasan at maiwasan ang tsansa mong magkaroon ng stroke ng 40%.

Leave a Reply