Papano makikita kung meron tayong problema sa puso sa pag hawak ng dulo ng paa at daliri

0
3714

Ang mga Pilipino ay natural at likas na kilala na siyang maalaga sa sarili. Ito ay naging parte na ng ating kultura na siyang minana pa natin mula sa ating mga ninuno noong unang panahon pa lamang. Noon pa man, ang mga Pilipino ay mayroon ng sariling pamamaraan ng paggamot na madalas pa ring ginagawa sa ilang parte ng Pilipinas hanggang sa ngayon at ilang ding mga pamamaraan upang mapanatili ang kalusugan ng katawan.

Nakakalungkot lamang isipin na ng dahil sa mabilis na paglipas at pagbabago ng panahon at ng mga kinahihiligan ng mga tao ay karamihan na sa atin ang tila ba tuluyan ng nakalimot sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang malusog at malakas na kalusugan at pangangatawan. Ang kalusugan ng tao ay madalas at karaniwan na lamang ipinagpapalit para sa mga simpleng kasiyahan at mga bisyo na siyang hindi maganda para sa katawan. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay at sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa, hindi na namamalayan ng mga magulang at maging ng mga mangagagawa na ipinagpapalit na pala nila ang kani kanilang mga pahinga para lamang sa trabaho, upang kumayod at magkaroon ng pera na pangtustos sa loob ng tahanan, at ito ay kilala bilang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang tao ay madalas na nagkakaroon ng sakit.

Ang artikel na ito ay magbabahagi ng isang napagalaman at natuklasang paraan upang malaman kung maayos ba ang iyong kalusugan o mayroon kang problema sa iyong puso. Hindi mo na kakailanganin pang gumastos at magpakonsulta sa doktor upang malaman kung mayroon ka bang problema sa iyong kalusugan, isang simpleng pamamaraan lamang ang kailangan mong gawin upang malaman at makompirma ang bagay na ito at iyan ang aming ibabahagi sa inyo.

Isang bagong pagaaral ang siyang naka alam at naka tuklas na ang mga tao na mayroong kakayahan na siyang abutin ang kanilang mga daliri sa kanilang paa ay sinasabing mayroong malusog at malakas na puso.

Upang masimulan ang paraan na ito at malaman kung ikaw ba ay mayroong malusog na puso, ang kakailanganin mo lamang na gawin upang magawa ang paraan na ito ay umupo sa sahig na nakabukaka ang iyong dalawang (2) paa at itaas mo ang mga daliri sa iyong mga paa.

Ngayon naman, subukan mo ng abutin at hawakan man lang ang mga daliri sa iyong paa. Kapag flexible ay iyong pangangatawan at nagawa mong hawakan ang mga daliri mo sa iyong paa, ang ibig sabihin lamang nito ay flexible at malusog din ang iyong puso. Kung hindi mo naman nagawang abutin ang mga daliri sa iyong paa, ay marahil hindi gaanong malakas at malusog ang iyong puso.

Ang uri ng pagaaral na ito ay nagmula pa at siyang isinagawa sa United States of America, partikular na sa North Texas na siyang ikinasasangkutan ng mahigit kumulang 526 participants na nasa edad dalawangpu (20) hanggang sa edad na walongpu’t tatlong (83) taong gulang.

Habang sinusubakan ng mga participants na ito na abutin ang kani kanilang mga daliri sap aa ay siya namang sinusukat ang kani kanilang mga blood pressure levels at pinagmamasdan o inoobserbahan ding mabuti ang aktibidad na siyang ipinapakita ng kanilang parehas na arteries o mga ugat at kanilang puso.

Ayon sa resulta na siyang lumabas pagkatapos ng isinagawang pag aaral, ang mga tao na siyang lumahok na mayroong sakit sa puso o hindi magandang kondisyon ng puso ay hindi nagawang maabot ang kanilang mga daliri sa kani kanilang mga paa.

Sinasabi na ang pag aaral na ito ay nagawang matuklasan ang koneksyon ng katawan at ng artery elasticity lalong lalo na sa mga tao na siyang lumahok sa pag aaral na ito na nasa edad na apat napung (40) taon at pataas.

Bakit hindi mo kaya subukan ang napakasimpleng proseso na ito ngayon? Wala namang mawawala kung susubukan mo ang bagay na ito. Kapag nagawa mong hawakan ang mga daliri sa iyong mga paa habang ikaw ay naka up no diretso ay nagsasabi na ang iyong puso ay sadyang malusog. Sa kabilang banda, kapag hindi mo naman nagawang abutin ang mga daliri sa iyong paa ay maari ka ng magpakonsulta sa iyong doktor upang malaman kung mayroon ka ba talagang problema sa puso at kung ano ito. Mas mabuti ng mas malaman mo ng maaga kaysa magsisi ka pa sa huli. Katulad na nga lamang ng kasabihan na “prevention is always better than cure.” Mas mabuti na iyong maagapan kung hindi man talaga malusog ang iyong puso kaysa naman sa huli mo pa malaman kung saan tuluyan ng malala ang iyong karamdaman.

Syempre, hindi ka lang dapat umasa sa artikel na ito upang malaman kung talaga bang malusog ang iyong puso at ang iyong pangangatawan. Dapat ay magkaroon ka ng normal na iskedyul ng pagpapacheck up isa (1) o dalawang (2) beses sa isang (1) taon upang malaman kung mayroon ka bang problema sa kahit saan mang parte ng iyong katawan upang maagapan ang paglala ng sakit na ito. Maari ka ring uminom ng bitamina upang mas maging malakas pa ang iyong katawan at magawang labanan ng iyong immune system ang iba’t ibang klase ng mga sakit na siyang nakaamba sa iyong kapaligiran na handang umatake sa hindi malamang oras at panahon.

Nararapat din naman na ikaw ay matutong mamuhay ng isang maayos at malusog na pamumuhay sa pang araw araw. Dalasan mo ang iyong pagkain at pagkonsumo ng mga masusustansiyang mga pagkain kagaya na lamang ng mga prutas at gulay na siyang kinakailangan ng iyong katawan para sa isang matibay na kalusugan. Dapat din na magkaroon ka ng aktibong pamumuhay, dalasan moa ng pageeherisisyo tuwing umaga sa loob ng tatlumpung (30) minuto upang mastretch naman ang iyong mga muscles at mga buto. Dapat din na magkaroon ka ng sapat na oras ng tulog, nirerekomenda na dapat ay maka pito (7) hanggang walong (8) oras ka ng tulog sa pang araw araw. Iwasan mo ang pagpupuyat at ilang mga nakakastress na mga bagay. Dapat din ay magkaroon ka ng sapat na naiinom na baso ng tubig sa loob ng isang araw, ang nirerekomenda na bilang ng baso ay walong (8) baso sa loob ng isang araw.

Iwasan mo na rin ang bisyo kagaya na lamang ng paginom ng alak at ng paninigarilyo sapagkat wala naman itong maidudulot na itong maidudulot na magandang epekto para sa iyong kalusugan. Habang maaga pa ay simulan mo na ang pamumuhay ng isang malusog na buhay upang mas humaba pa at lumusog ang iyong pangangatawan at maging malayo sa anumang uri ng sakit.

Leave a Reply