Pano alisin ang mabahong hiniga at madilaw na ngipin gamit ang baking soda. At mga iba pang gamit nito

0
3880

Ika nga nila sa Ingles, “first impression lasts”. Kung paano tayo nakita ng ibang tao sa unang pagkakataon ay mananatili sa kanilang isapan sa mahabang kanahon, kung di man nila ito makalimutan. Ang ating panlabas na anyo ang unang unang nakikita sa atin ng mga tao kaya naman mahalaga na sa lahat ng pagkakataon ay maging presentable tayo. Mula da ating pananamit, hanggang sa mismong pisikal nating kaanyuan ay dapat maging maayos tayo sa lahat ng pagkakataon. Lalo na ang mga taong nagpapa-impress sa ibang tao. Dahil madali man tayong matandaan dahil sa ating kaanyuan, ay madali rin tayong layuan o iwasan dahil dito.

Ito ang dahilan kung bakit sa panahon ngayon ay marami na ang naglalaan ng maraming oras at dalapi para lang maging maayod o presentable ang kanilang itsura. May mga kalalakiha na todo ang pagbubuhat sa gym upang gumanda ang kanilang katawan, na isa sa umaakit sa mga kababaihan. Bumibili rin sila ng mga pabangong gustong gustong inaamoy ng mga babae sa lalaki. Kahit pa mga kalalakihan ay pumoporma na rin sa pamamagitan ng pagbili ng iba’t ibang mga kasuotan. Hindi na lamang pambabaeng gawain ang pagsha-,shopping ngayon.

Sa kabilang banda, ang mga kababaihan naman ay parang ganito rin. NKakakita ka rin ng mga babae sa gym na nagwo-work out upang sila ay pumayat at sumeksi. Bumibili rin sika ng iba’t ivang mga produkto na magpapaganda lalo sa kanila tulad na lamang ng make-up at iba pang produktong kajri nito. Mayroong mga lipstick, foundation, eyeliner, at iba iba pa na karaniwang ginagamit sa araw araw. Bukod pa diyan ay talagang gumugugol din ng salapi ang mga kababaihan sa pagbili ng mga damit at sapatos upang maging presentable ang kanilang kasuotan. Ang iba pa nga ay tuwing may okasyon o kaya naman mahalagang lakad ay talagang bumibili pa ng bagong kauotan para dito.

May iba pa nga na pumupunta pa sa mga eksperto at mga dermatologist para lang alagaan ang kanilang balat at itsura. Buwan buwan ay pumupunta sila rito para magpa-facial at iba pang procedure na “magpapaganda” sa kanila. Hindi biro ang oras at halagang ibinibigay nila para lang makamit nila ang itsurang hinahangad nila. Ganito nila binibigyang halaga ang kanilang itsura. Subalit, paano na lamang kung hindi kaya ng isang tao na sumailalim sa mga magastos na bagay na ito? Wag kang mag-alala dahil maaari oa rin naman na ikaw ay maging presentable at maayos ang itsuta kahit hindi ka gumastos ng malaki. Paano? Ituloy mo lamang ang iyong pagbasa at tuturuan ka namin.

Alam mo ba na sa pamamagitan lamang ng baking soda ay maaari mo nang gawing presentable amg iyong sarili? Magagawan kasi nito ng solusyon ang iba’t ibang suliranin ukol sa ating panlavas na anyo tulad na lamang ng pagkakaroon ng madilaw na ngipin, hindi magandang kutis ng balat, pangit na buhok, tigyawat, at iba pa. Nakakagulat, hindi ba? Dahil mayroong iba na gumagastos pa ng .alaking halaga para lang masulusyonan ang mga bagay na ito, ang hindi nila alam ay baking soda lang pala ang katapat nila. Paano? Narito at alamin mo.

Bilang pasimula, ang baking soda ay nagbibigay ng magandang epekto sa ating buhok. Ito ay maaaring gamitin bilang isanb shampoo kung ikaw ay namomroblema sa magulo, buhol buhol, at matigas na buhok. Ginagamot din nito ang hindi magandang tubo ng ating buhok mula sa anit. Kung ito ay gagamitin mo sa iyong anit, marahan mo itong imasahe dito at pagkatapos ay banlawang maigi. Gawin ito araw araw at asahan na mas magiging kaaya aya na ang itsura ng iyong buhok.

Ang baking soda rin ay mabuti sa ating balat. Sa katunayan nga ay may kakayahan itong alisin ang mga tumubong kulugo sa katawan natin. Ang kulugo ay ang maliliit na parang nunal sa katawan na tumubo dahil sa dumi at di magandang hygiene. Kung gagamitin mo ang vakig soda para dito, ihalo mo lamang ang katas ng lemon dito at saka ipahid sa parte ng iyong katawan na tinubuan ng kulugo. Mas magandang gamitin ang alternatibong ito kaysa mga produktong nabibiki sa mga tindahan dahil ito ay ligtas at walang ajomang side effects na gawa ng chemicals.

Bukod dito ay may kakayahan din ang baking soda sa pag-aalis ng mga kinaiinisan nating tigyawat. Dito naman, kailangan mo lang ihalo ang sangkap na ito sa tubig, haluing mabuti hanggang sa makabuo ng parang paste, at saka ipahid sa mukha, o sa bahagi nito na mayroong tigyawat. Ito rin ay isang paraan upang maalis ang mga dead skin sa ating mukha kaya naman kug gagawin mo ang procedure na ito araw araw ay tiyak na kikinis at gaganda ang iyong kutis. Isa pa, mabisa rin ito sa pag-aalis ng mga black heads at white heads na karaniwang mahirao alisin dahil sila’y maliliit at tika nakabaon sa balat. Di mo na kailangang magpa-derma pa dahil baking soda palang ay nakakamit mo na ang “flawless skin”.

Hindi lamang iyan, alam niyo ba na ang vaking soda ay ay mabisang gamiti  upang toothpaste kung gusto mong paputiin ang iyong mga ngipin? Isa itong natural na sanbkap na pwede mong ipalit sa mga nabibiling toothpaste sa tindahal dahil kaya nitong protektahan ang mga ngipin mula sa mga cavities na sumisira dito. Ang maganda pa rito ay puputi rin ang iyong mga ngipin kung gagawin mo ito kahit isang beses isang linggo. Isang beses lang ang kailangan at maiiwasan mo na rin ang pagkakaroon ng masamang hingi o “bad breath”. Gamitin ang pinaghalong bakib soda at tubig bilang mouthwash at tiyak na mawawala na ang di kaaya ayang amoy sa bibig.

Hindi lang bad breath ang naaalis ng baking soda, kundi maging ang hindi magandang amoy ng katawan o body odor. Maaari mo rin itong magamit na deodorant kung ihahalo mo ito sa langis. Kaya naman kung naubusan ka ng tawas, pwedeng ito na lamang ang ipahid mo sa iyong kili kili upang maiwasan ang masamang amoy at masyadong pagpapawis.

Hindi naman kailangang mahal para lang maging kaaya aya ang isang tao. Minsan, kailangan lang talagang maging maayos tayo at alagaan ang ating katawan. Maligo araw araw, magsipilyo, magsuklay, mga simpleng paraan para magib presentable tayo. At dagdagan mo na rin ng kaunting bakib soda para tiyak na maayos tayo sa paningin ng iba.

Leave a Reply