Mga natural na lunas upang maibsan ang nararanasan nating vertigo

0
3359

Kahit minsan ba ay naranasan niyo nang makaramdam ng biglaang pagkahilo at pananakit ng ulo? Yung tipong maayos naman ang inyong pakiramdam tapos pagtayo niyo ay parang umiikot ang mga bagay sa iyong paligid?

Yung pakiramdam ng pagkahilo na bigla ka na lamang mapapaupo kasi parang babagsak ka ano mang oras.

Nakaranas ka na ba ng pananakit ng ulo kahit wala ka namang lagnat o kahit ano pang ibang sakit, pero paglipas ng ilang minuto o ilang segundo ay nawala na agad? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, hindi isang bagong bagagy ang nangyari sa iyo dahil maraming tao ang nakakaranas nito. Maraming tao ang nakakaranas ng Vertigo.

Sa artikulong ito ay ipapaliwanag namin kung ano nga ba ang Vertigo, o ang biglaang pagkaramdam ng pagkahilo at pananakit ng ulo. Tunghayan niyo rin at ituloy ang pagbasa dahil ituturo rin namin kung paano mo malulunasan ang Vertigo. Ngunit bago tayo tumungo riyan, alamin muna natin kung ano ba talaga ito. Ang Vertigo ay hindi naman isang uri ng sakit bagkus, isa itong pasimula o sintomas na ikaw ay magkakaroon ng ibang uri ng karamdaman. Bagama’t hindi ganoon kadalas mangyari at hindi naman talaga isang uri ng sakit, may mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng Vertigo.

Ang pagkaramdam ng pananakit ng ulo at pagkahilo ng parang umiikot ang paligid ay ilan lamang sa mga lpatunay na ikaw ay may Benign Paroxysmal Positional Vertigo o Vertigo. Karaniwan itong nararamdaman ng isang tao na biglaang tumayo mula sa matagal na pagkakaupo, o kaya naman ng mga taong mayroong problema o impeksyon sa tenga. At gaya nga ng nasabi na, isa rin itong sintomas sa iba pang karamdaman. Kung madalas ka nang nakakaramdam ng pagkahilo gaya ng tila mawawalan ka na ng balanse ay mainam na kumunsulta ka na sa iyong doktor at magpatingin. Mahalagang malaman mo ang dahilan kung bakit ka nakakaranas ng Vertigo upang alam mo kung paano mo ito malulunasan.

Halimbawa na lamang kung ikaw ay nakaranas ng Vertigo dahil mayroong problema ang iyong middle ear. Ang bahaging ito ng ating tenga ay nasa likod lamang ng ating eardrums, at ang nagtataglay ng bumabalanse sa ating katawan. Dahil dito kaya pakiramdam natin ay matutumba tayo kapag mayroon tayong Vertigo. Bukod pa dito, makakaramdam rin tayo ng mga pagkahilo at pananakit ng ulo, maaging ng sobrang pagpapawas ng malamig, at pagsusuka kapag may problema anng gitnang bahagi ng ating tenga.

Kapag kayo ay tumungo sa doktor upang magpatingin, kadalasan ay irerekominde nila na kayo ay sumailalim sa therapy upang pagalingin ang inyong tenga at tanggalin ang bumara sa middle ear. Isa sa mga therapy na ito ay ang Epley Maneuver na maaari mong gawin sa kahit sa iyong kwarto sa loob ng labinlimang minuto. Para gawin ito, una ay ibaling ang iyong ulo sa direksyon ng tengang apektado at pagkatapos ay dahan dahang humiga. Paglipas ng tatlumpung segundo ay lumingon naman sa kabila at saka tumagilig matapos ang isa pang kalahating minuto at saka yumuko. Muki ay dahan dahang umupo nang hindi inaalis sa posisyon ang baling ng ulo at ayun na, matagumpay mo nang natapos ang therapy na ito.

Mayroon ding tinatawag na ehersisyong Brandt-Daroof Therapeutic. Kung titignang mabuti ay hindi naman talaga ito katulad ng mga normal na ehersisyo na ating ginagawa. Madali lang itong tandaan at gawin dahil isa ito sa mga paboritong posisyon ng tao kapag matutulog. Ang tanging kailanganhg gawin ay huniga ng patagilid sa direksyon ng tengang may problema ang middle ear. Manatili sa ganitong posisyon sa loob ng kalahating oras, ingatan lamang na huwag makatulog dahil may kasunod pa ito. Matapos ang itinagkdang oras ay tumagilid naman sa kabilang direksyon at muling manatili sa ganoong pwesto sa loob ng tatlumpung minuto. Pagkatapos nito ay maaari ka nang maupo, at muli itong gawin ang buong proseso ng isa pang beses.

Mabisa man at madaling gawin ang mga therapy at ehersisyong ito, mayroon pa rin namang mga mas mabisa at mas madaling gawin bukod dito. Kung hindi mo kayang magpatingin sa doktor ay ayos lang naman dahil mayroon ka pa rin namang maggawa upang lunasan ang Vertigo na iyong nararamdaman. At iyon ay ang pagkonsumo ng mga pagkain na makagagamot dito. Ang mga pagkaing ito rin ay dapat mong kainin upang maiwasan na ang muling pagkakaroon ng Vertigo. Ano, handa ka na ba? Kunggayon ay simulan na natin. Ang mga pagkaing ito ay ang mga sumusunod:

Una ay ang mga pagkain na mayaman sa Bitamina D. May mga pagkakataon na ang sanhi ng ating Vertigo ay hindi ang problema sa ating niddle ear, kundi ang kakulangan natin sa Bitamina D. Kaya naman kung ikaw ay nakakaranas ng Vertigo, kumain ka lamang ng mga pagkain gaya ng keso, egg yolk, orange juice, at mga isda gaya ng tuna at mackarel, na puno ng bitaminaang ito.

Ang pag-inom ng maraming tubig ay makakatulong din upang malunasan at mapigilan ang pagkakaroon ng Vertigo. Mahalagang sumunod tayo sa tradisyonal na walo hanggang sampung baso ng tubig araw araw upang mapanatiling hydrated ang ating katawan. Kung hindi man natin ito magawa ng lubusan, dapat ay nalalapit pa rin sa bilang na ito ang ating kinokonsumo dahil kung tayo ay kulang ng tubig sa katawan, tataas ang ating body temperature na maaaring maging sanhibng pagkahilo.

Sunod sa ating listahan ay ang gingko biloba. Ito ay kilala na natin bikang isang mabisang pagkain na pumupuksa sa mga cancerous tumors at cancer cells. Ngunit alam niyo ba na mainiman din itong kainin upang pagandahin ang daloy ng dugo sa ating katawan, at ibsan ang pagkahilong ating nararamdaman? Maging ang luya rin na kilala ng marami dahil sa masarap na lasang naibibigay nito sa mga lutuin ay maaari ring makagamot sa Vertigo. Kapag tayo ay iinom ng tsaa na gawa sa kuya ay tiyak na mawawala ang ating pagkahilo at sakit ng ulo.

Ilan lamang ang mga ito sa mga mabibisang paraan upang malunasan ang Vertigo. Ngunit tandaan, ang pinakamabisang paraan pa rin ay alamin kung anong sanhi ng iyong pagkahilo, at saka gumawa ng paraan uoang malunasan ang sakit na ito. Huwag mahiyang magpakunsulta sa doktor lalo na kung madalas mo nang nararanasan ito, bibigyan ka nila ng tulog medikal at mga gamot upang masulusyonan ang iyong problema.

Leave a Reply