Mga kondisyon at sakit na kayang gamutin gamit ang kamias lamang

0
7075

Biniyayaan tayo ng kalikasan ng napakaraming mga bagay na maaari nating magamit sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay. Nariyan ang mga naglalakihan at matitibay na puno kung saan makagagawa tayo ng mga kasangkapan. Mayroon ding mga prutas at gulay na pwede nating kainin at mgbibigay ng sustansya sa ating katawan. At siyempre, mayroon ding mga halaman na makapagpapagaling sa atin kung tayo man ay nagkakasakit. Tunay ngang isa itong malaking pagpapala lalo na sa panahon ngayon na nagmamahalan na ang mga gamot. Sublit salamat sa mga halaman na ito ay hindi na natin kailangan pang bumili ng mga gamot para lang malunasan ang ating mga karamdaman.

Kaugnay nito, aming itatampok sa artikulong ito ang isang prutas na hindi man popular sa nakararami ay tunay na kapaki-pakinabang sa atin dahil ito ay lubos na masustansyaat nakapagpapagaling pa ng maraming sakit. Marahil ay mayroong iba na hindi pa naririnig ang tungkol sa prutas na ito, o kung alam man ng iba ay marahil hindi pa nila ito natitikman. Subalit, hindi namin hahayaan na palagi na lang nakatago ang angking kakayahan ng prutas na ito kaya naman, ihanda mo na ang iyong sarili sa nakakabilib na prutas na ito na tatawagin nating KAMIAS.

Ang kamias, ang sayantipikong pangalan ay Averrhoa Bilimbi, ay isang puno na karaniwang matatagpuan sa mga tropikal na bansang tulad ng Pilipinas. Sa ibang bahagi ng nundo ay mas kilala ito sa tawag na “cucumber” o kaya naman ay “sorrel tree”. Ito ay namumunga ng prutas na kulay berde at karaniwan ay maasim ang lasa. Ngunit, mataas man ang acidity nito ay maraming itong iba’t ibang gamit at isa na dito ang sa pagkain. Pwede itong ihalo sa mga lutuin at magbibigay ito ng mga bitamina at mineral, phosphorus, mga antioxidant, calcium, at iron. Bukod dyan ay kilala rin ang kamias sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya bilang isang mabisang halamang nakakagamot.

Hindi man ito popular sa ibng panig ng mundo, ng mg  bansa sa Timog-Silangang Sya ay ginagamit na ang kamias sa pagpapagaling ng mga sakit tulad ng ubo, mga sakit sa balat, almoranas, at iba pa, mula pa lamang sa sinaunang panahon. Ngunit hindi lamang iyan ang benepisyong medikal na maaaring ibigay ng kamias. Ituloy niyo lamang ang pagbasa uoang malaman ninyo kung ano anong mga uri ng sakit pa nga ba ang kayang mapagaling ng kamias.

Una sa lahat, ang kamias ay kilala na nakapagpapagaling sa lagnat at mga inflammation, partikular na sa bansang Pilipinas. Magmula pa dati ay pamilyar na ang mga katutubong Pilipino sa gamot na ito ng kamias kaya naman nagagamit nila ito bilang isang alternatibo sa panggagamot. Ang kakayahang ito ng kamias ay nagmula sa kaniyang taglay na ascorbic acid. Ang uri ng Vitamin C na ito ay kayang protektahan ang katawan mula sa mga antibodies, na pangunahing umaatake sa ating kalusugan. Napapaunlad din nito ang ating immune system at nababantayan dito tayo mula sa mga free radicals na nagdudulot naman ng cancer.

Nabanggit na kanina na ang kamias ay nagtataglay ng iba’t ibang compounds na makabubuti sa katawan kagaya na lamang ng iron, antioxidant, at phosporus na malaki ang maitututlong sa pagpapatibay ng ating mga buto. Ngunit sa lahat ng ito ay pinaka malaki ang level ng calcium sa kamias. Alam nating lahat na ang calcium ang pangunahing nagpapalakas sa ating mga buto pati na rin sa ating mga ngipin. Kaya naman kung tayo ay kakain ng kamias, na punong puno ng calcium.at phosporus na mabuti sa buto, ay makasisigurado tayo na mapananatili nating matibay ang ating mga buto kahit pa tayo ay tumanda na.

Bukod sa mga ito, ang kamias din ay may taglay na fiber na, kahit hindi ganoong karami, sapat naman upang mapabuti at mapaunlad ang proseso ng pagtunaw o digestion process ng ating katawan. Kung kakain ka nito ay maiiwasan mo na ang madalas na pananakit ng tiyan, maging ang constipation at ibang uri ng sakit na may kinalaman dito. Isa pa ay tiyak na magugustuhan ito ng mga taong gustong magpapayat. Ang kamias kasi ay kakaunti lamang ang taglay na calories kaya naman kahit kainin mo ito ay hindi madadagdagan ang iyomg timbang. Masarap din ito at maraming mga recipe ang maaari mong gawin dgamit ito. Pwede kang gumawa ng juice o kaya naman ay ihalo ito sa ibang pagkain, ngunit ano pa man ang napili mo yay siguradong hindi ka manghihinayang dahil nabusog ka na, hindi ka pa tataba.

Hindi lamang iyan, alam mo ba na dahil sa taglay na Bitamina C ng kamias ay maaari mo nang malunasan ang mga sakit kagaya na lamang ng Scurvy? Ang sakit na ito ay nakukuha dahil sa kakulangan ng Vitamin C kaya naman ang pagkain ng bunga ng kamias ang isa sa mga pinakamabisang paraan upang gamutin ito. Malging ang sakit na beri beri, o ang kakulangan ng thiamine ay posible ring malunasan kung kakainin mo ang prutas na ito.

Ang kagandahan sa kamias ay hindi lamang ang prutas nito ang may benepisyong medikal. Sinasabi ko sa inyo na maging ang mga dahon nito ay may kakayahang makapagpagaling ng mga sakit. Halimbawa na lamang ang beke, maging ang iba’t ibang uri ng sakit sa balat, magdikdik ka lamang ng dahon ng kamias at pagkatapos ay ipahid ito sa parte ng iyong katawan na apektado ng mga sakit na ito. Ganito rin ang dapat mong gawin kung sakaling ikaw ay nagkaroon ng maraming tigyawat sa mukha, o kaya naman kung ikaw ay nakakaramdam ng rayuma at pananakit ng kasukasuan.

Maging ang katas ng kamias ay may benepisyong medikal din. Tulad na lamang ng katas ng bulaklak ng punong ito na maaari mong inumin kung ikaw ay may ubo. Ang katas naman ng dahon nito ay maaari mong inumin kung ikaw ay nilalagnat, o kaya kung ikaw naman ay may almoranas o hemorrhoids. At kung ikaw naman ay nakakaranas ng iritasyon at pananakit ng mata ay ipatak mo lamang dito ang katas ng dahon nito.

Tunay ngang napakaraming benepisyo tayong matatanggap mula sa kamias. Sana sa artuikulong ito ay maayos naming naipabatid ang importansya nito upang matuto tayong pahalagahan ang biyayang ito ng kalikasan.

Leave a Reply