Maagang sintomas ng kanser sa baga na pinag wawalang bahala ng mga babae

0
2888

Ano ang Kanser?

Ay kanser o kilala bilang Cancer sa inglesy ay isang malalang sakit na kung saan naapektuhan ang hindi lang isa kung hindi iba’t ibang parte ng kalusugan at katawan. Kung ito ay mabilisang maagapan at mabibigyan ng pansin, ito ay maari pang malunasan at magamot.

Sa kabilang banda, kung ito naman ay hindi mabibigyan ng karampatang lunas at pansin, maari itong lumala at magresult sa kamatayan. Napakaraming tao sa buong mundo ang nagkakaroon ng klase ng sakit na ito at madalas sa kanila ay namamatay dahil na rin sa kadahilanang walang pang tiyak na paraan at lunas para sa klase ng sakit na ito.

Lahat ng mayroong buhay na meron dito sa mundo, kabilang na ang mga katawan ng tao ay binubuo ng mga maliliit na cells na masisilayan lamang sa tulong ng microscope. Mayroong mga pagkakataon na kung saan ang mga cells na ito ay nag iiba iba, kumakalat at kusang lumalaki sa hindi malaman o abnormal na paraan na sa huli ay nagreresulta sa isang tumor.

Mayroong mga klase ng tumor na kusang gumagaling at nawawala sa paglipas ng panahon. Ngunit mayroong din namang mga klase ng tumor na lumalaki, kumakalat at nagiging sanhi ng mas malalang mga sakit. Ang karamihan sa mga tumor na ito ay hindi nagiging kanser, pero mayroon din namang iba na tumutuloy sa pagiging kanser sa hindi namamalayang panahon.

Ang kanser ay nagsisimula sa paglaki ng isang cell sa katawan ng tao sa hindi makontrol o abnormal na pamamaraan. Kung ito ay mabilisang maagapan at malulunasan sa lalong madaling panahon, ito ay maaring mawala sa tulong ng operasyon, sa paginom ng gamut at maging sa radiate, dahil sa mga pamamaraan na ito mayroong tyansa na ito ay gumaling. Sa kabilang banda, kapag kanser ay kumalat sa buong katawan, ang paggamot nito ay lubhang magiging mahirap at mayroon pang pagkakataon na ito ay imposibleng hindi malunasan.

Ang mga karaniwang kanser na madalas na maranasan ng mga babae ay kanser sa cervix, suso at maging sa matres. Ang iba pang mga karaniwang kanser na parehas na nararanansan ng mga babae at lalaki ay kanser sa baga, bituka, atay, tyan bibig at kanser sa balat.

Gayunpaman, ang lung cancer sa ingles o kilala rin bilang kanser sa baga ay isang uri ng kanser na kung saan ang pinakapangunahing inaatake ay ang baga. Bagaman ito ang isa sa mga nangungunang sanhi ng kamatayan sa mga sakit na kanser, mapa sa kababaihan man o sa kalalakihan, ito rin ay kilala sa isa sa mga pinakamadaling maagapan. Itong klase ng sakit na ito ay kadalasang nararanasan ng dahil sa paninigarilyo, dahil kung titignan, apat sa bawat limang kaso ng kanser na ito ay dahil sa paninigarilyo.

Ang kanser sa baga ay kilala bilang pangalawa sa mga karaniwang uri ng kanser para sa parehas na babae at lalaki. Sa kabilang banda, ang mga sintomas at palantadaan naman na mayroon sila lubhang magkaiba para sa mga babae at mga lalaki, at dahil dito, dapat matutunan ng mga tao kung papaano ito mapapansin ng mas maaga upang mabigyan ng mabilisang lunas sa lalong madaling panahon at para hindi na rin ito lumala pa.

KANSER NG BAGA PARA SA MGA BABAE

Ang uri ng kanser na ito na para sa mga babae ay tinatawag o kilala bilang adenocarcinoma at ito ay din ay kumakalat sa panlabas na suson ng baga. At dahil ito ay nasa loob ng katawan ng tao, mas mahirap itong mabigyan ng pansin lalo na ang mga sintomas hanggang sa oras na ito ay kusa na lamang na lalaki bilang isang tumor sa baga ng hindi namamalayan. Ang kauna unahang mga sintomas ay pananakit ng likod at balikat, paghabol sa hingihingi o magising paghinga pagdating sa mga gawaing pang pisikalan.

Ito ang ilan sa mga iba ang mga sintomas na kailangan mong bigyan ng pansin:

  • Pag dami ng uhog at pagbabago na rin ng kulay nito
  • Pag ubo na may kasamang dugo
  • Patuloy at walang tigil na pag ubo
  • Pag ubo na may kasamang pinaghalong plema at dugo
  • Magaspang na tunog na naririnig tuwing humihinga

Ang adenocarcinoma ay hindi talaga madaling mabigyan ng pansin at ito ay maari mabilis na kumalat sa iba’t ibang parte ng katawan ng tao. Kadalasan ay huli na bago pa ito matuklasa ng tao, lalo na kapag ito ay tuluyan ng kumalat sa buto, sa atay, sa lymph nodes at maging sa adrenal glands na maaaring maging sanhi ng sintomas katulad na lamang ng pagkawala ng muscles mass, madalas na panakit ng ulo, mabilisang pagkapagod, pagkawala ng gana sa pagkain, isama mo na rin ang walang dahilan o biglaang pagbaba ng timbang, pamumuo ng mga dugo, papamaga ng mukha, pananakit ng mga buto at kasukasuan, maging ang pagkabali ng buto at higit sa lahat ang pagkawala ng memorya o pagiging makakalimutin.

KANSER NG BAGA SA MGA LALAKI

Sa kabilang banda, ang kanser naman na para sa mga kalalakihan ay kilala bilang squamous cell carcinoma. Ang uri ng kanser na ito ay nabubuo sa may gitang parte ng baga na siyang malapit sa bronchus at ito ay maaring magresulta ng pagkaroon ng sagabal or kahirapan sa paghinga. Sa paglipas ng oras, ito ay magpapakita na rin ng iba’t ibang klase ng sintomas kagaya na lamang ng pagsumingasing, madalas na pag ubo, paulit ulit na pagkakaroon ng impeksyon sa baga katulad na lamang ng pneumonia at bronchitis.

Ang mga palantandaan ng sakit na ito sa mga kalalakihan ay madali lamang mapansin kumpara sa mga kababaihan pero karaniwan itong ipinasasawalang bahala ng mga naninigarilyo. Ang mabilisan at maagang pagpasin o pagpuna sa mga sintomas ng kanser sa bagay ay lubhang napakahalaga upang madagdagan ang pag asa at maging ang tyansa ng pagkakaroon ng mas mahabang panahon ng pagkabuhay. Huwag mong isipin na ang sakit na ito ay katulad lamang ng isang simpleng ubo dahil ang kanser sa bagay ay isang malalang sakit na lubhang nakakamatay.

Upang maiwasan ang kanser sa baga, kailangang maging maingat ng mga tao sa kanilang ginagawang mga bisyo kagaya na lamang ng pag iwas sa paninigarilyo o paglapit sa mga mauusok na lugar dahil ang second hand smoke ay maaring maging sanhi nito.

Kakailanganin din ang pagaalaga sa katawan katulad na lamang ng pagkakaroon ng sapat na oras ng tulog sa pang araw araw, ang pagkain ng mga prutas at gulay at iba pang mga masusutansyang pagkakain at higit sa lahat, malaking tulong ang regular na pageehersisyo tuwing umaga ng maraming beses sa isang linggo. Walang ibang tutulong sa sarili mo kung hindi ikaw lang din, kaya ngayon pa lamang ay matuto ng magkaroon ng disiplina sa lahat ng bagay na ginagawa.

Sana ay nakatulong ang article na ito sa iyong nararamdaman at upang makatulong na rin sa iba, maari mo rin itong ibahagi sa kanila lalo na sa iyong mga kamag anak at kaibigan.

 

Leave a Reply