Katotohanan sa normal at C-section delivery na dapat malaman ng mga kababaihan

0
2972

Ang panganganak ay isang uri ng proseso ng kung saan sa wakas ay mailalabas na ang sanggol sa loob ng sinapupunan ng isang ina na siyang kaniyang inalaagan at minahal sa loob ng kaniyang tiyan sa loob ng siyam (9) na buwan. Ito ang pinaka hinihintay na pagkakataon ng bawat magulang dahil sa wakas ay kanila nang masisilayan ang kanilang pinakamamahal na anak.

Ang panganganak ay kinukonsidera bilang isang himala dahil ito ay nagpapakita ng panibagong pagkabuhay ng isang sanggol.

Kung tutuusin, mayroong dalawang uri ng pamamaraan kung paano mailalabas ang sanggol mula sa sinapupunan ng ina sa mundong ito, at ito ang normal delivery na kung saan inilalabas sa ari ng babae at ang cesarean section na kung saan inooperahan ang babae at inilalabas ang sanggol mula sa kaniyang tiyan. Ang uri ng panganganak ay pinipiling mabuti ng doktor batay sa kalusugan ng parehas na nanay at sanggaol. Ngunit ang pinakamahalaga dito ay ang maayos at ligtas na paglabas ng sangool sa sinapupunan ng kaniyang ina.

Hindi man madali ang panganganak na ito at talagang sinasabing isa ito sa pinaka mahirap at pinaka masakit na dadanasin ng mga kakabaihan sa tanang ng kanilang buhay, ito parin ay isang biyaya mula sa Diyos lalo na ang malaman na ikaw ay nakabuo na ng isang pamilya.

Sa artikel na ito, ating aalamin at paguusapan ang mga sumasang ayon sa dalawang uri ng panganganak maging ang advantages nito para sa nanay at sanggol. Sa kabilang banda, aalamin at paguusapan din natin ang mga hindi sumasang ayon sa dalawang uri ng panganganak at maging ang mga disadvantages nito para sa parehas na nanay at sanggol.

VAGINAL BIRTH

  • Pros para sa Ina:

Sa isang psychological standpoint o panig, ang mga babae na siyang dumaan sa isang normal o kadalasang ginagawa na vaginal delivery ay sinasabing nagtataglay ng mas positibong karanasan pagdating sa pagsilang sa kanilang mga anak.

Ayon sa mga kababaihan na siyang dumaan sa vaginal delivery ay  mas           pinapalakas nito ang kanilang loob bilang isang ina dahil mas nagiging aktibo sila sa proseso na kanilang pagdadaanan sa panganganak.

Mas magiging maikli rin ang kanilang recovery time nila kung ito ay ikukumpara sa nasa cesarean section. Idadag mo pa ang katotohanan na mas napapabilis din ang bonding process ng sanggol sa ina nito dahil mabilis at agad agad na nilalagay ito sa tabi ng kaniyang mahal na nanay.

  • Pros para sa Sanggol:

Sinasabi na ito ay nagtataglay ng mas mabilis na bonding process para sa ina. Kung iisipin, mas mababa rin ang posibilidad na magkaroon ng problema sa baga ang sanggol dahil sa masikip na paglabas nito ay naalis ang mga fluids sa loob ng baga nito. Sinsabi rin na pinapalakas din nito ang immune system ng mga sanggol dahil mas maagang exposure nila sa bacteria habang sila ay dumadaan sa birth canal ng kanilang nanay.

  • Cons para sa Ina:

Sinasabi ng nakararami na mayroong mga pagkakataon na kung saan masyadong nagiging mahirap at stressful ang normal o vaginal delivery at hindi palaging sigurado at tiyak kung gaano ito katagal mangyayari.

  • Cons para sa Sanggol:

Ayon sa Stanford School of Medicine, kapag ang nanay ay nakaranas ng mahabang oras ng paglalabor, mas mahaba kaysa sa inaasahan ay maaring maging malaki ang tyansa na parehong masaktan ang ina at ang sanggol sa proseso ng panganganak katulad na lamang ng bruised scalp o fractured collarbone.

CESAREAN O C SECTION

  • Pros para sa Ina:

Sinasabi ng iilan na wala namang masyadong advantage ang panganganak sa cesarean o kilala rin bilang c section kung ikukumpara sa vaginal o normal delivery maliban na lamang sa katotohanan na ito ay mas planado, mas magiging madali at mas mababawasan ang stress na maidudulot sa na maidudulot sa ina sa kaniyang panganganak.

  • Cons para sa Ina:

Ang ina na siyang dadaan sa cesarean o kilala rin bilang c section ay karaniwang magtatagal sa loob ng hospital, ito ay maaring umabot sa loob ng dalawa (2) hanggang sa apat (4) na araw kung ikukumpara sa mga ina na siyang dumaas sa normal o vaginal delivery. Tumataas din ang panganib na makaranas ng matagal na pananakit ng incision pagkatapos lumabas ng sanggol mula sa sinapupunan ng kaniyang ina. Dahil sa paraan na ito, ang ina ay ooperahan, mas magiging malaki rin ang tsansa ng blood loss at maging ang pagkakaroon ng impeksyon. Ang bowel at bladder ay maaring madamay at masaktan sa operasyon at mayroon pa ngang mga pagkakataon na kung saan mayroong namumuong mga dugo.

Isang uri ng pagaaral ang nakatuklas na ang mga nanay na siyang dumaan sa cesarean o kilala rin bilang c section ay mas matagal mag breastfeed kung ikukumpara sa mga nanay na siyang dumaan sa normal o vaginal delivery. Sinasabi rin na ang recovery period pagkatapos lumabas ng sanggol ay mas matagal dahil mas masakit ang abdominal nerves at muscles na siyang nakapaligid sa surgical scar ng ina. Mayroon pang mga pagkakataon na kung saan tumatagal ito sa loob ng dalawang (2) buwan.

Ayon sa isang pagaaral na siyang ginawa ng isang French, ang mga ina ay tatlong (3) beses na mas malaki ang tsansa at posibilidad na mamatay sa cesarean o kilala rin bilang c section dahil sa pamumuo ng dugo o blood clots, impeksyon, at maging ang ilang komplikasyon ng dahil sa anesthesia.

Sinasabi rin ng iilan na kapag nasimulan ng dumaan sa cesarean o c section ang ina ay maaring maging cesarean o c section na rin ang mga susunod nitong panganganak sa kaniyang mga anak. Mas mataas din ang magiging posibilidad ng pregnancy complications katulad na lamang ng urine rupture lalo na kapag bumuka ang C section scar sa kaniyang uterus at placenta abnormalities. Ang panganib ng pagkakaroon ng problema sa placenta ay lubhang tumataas habang sunod sunod ang C section na ginagawa ng nanay.

Sinasabi rin na mas magastos ang paraan ng panganganak na ito dahil sa tagal ng ilalagi ng ina sa loob ng ospital at operasyon na siyang isinagawa. Isa pang disadvantage nito ay ang pananatili ng surgical scar na siyang halata sa tuwing makikita ang iyong balat sa may bandang tiyan.

  • Cons para sa Sanggol:

Isa sa mga negatibon resulta ng cesarean o c section para sa mga sanggol ay kanilang pagkakaroon ng respiratory problems. Ang ilang doktor ang nagsasabi na maaring magdulot din ang uri ng panganganak na ito ng ilang komplikasyon ng dahil sa anesthesia at maari ring magkaroon ng sugat ang sanggol habang ginagawa ang operasyon. Mababa lamang ang posibilidad na mangyari ang bagay na ito pero dapat pa rin itong malaman ng lahat ng nanay para sa isang malusog at maayos na panganganak.

Leave a Reply