Iwasan ang mga delikadong pagkain na pwedeng mag bigay ng bulate sa ating katawan

0
480

Ang mga Pilipino ay kilala bilang mga masayahin na tao na kahit sa gitna ng ano mang klase ng problema o trahedya ay nagagawa pa ring ngumiti at makapagbigay ng kasiyahan sa iba. Sila rin ay kilala dahil sa kanilang kakayahan na kumain ng masasarap na mga pagkain na siyang inihahain sa hapag kainan sa tuwing mayroong mga espesyal na pangyayari at okasyon kagaya na lamang ng mga kaarawan, kasalan, fiesta at marami pang iba. Hindi makukumpleto para sa bawat Pinoy kung ang isang kasiyahan ay ipagdiriwang ng walang halong kainan.

Sa kasamaang palad, mayroong klase ng mga pamilya na dahil sa sobrang kabusyhan sa trabaho at pagaaral, ay hindi na nagagawang makapagluto pa sa bahay kaya’t madalas na lamang pumunta sa mga kilalang fast food chains upang doon kumain ng tanghalian o gabihan kasama ang buong pamilya na hindi magandang gawain ng ilan sa mga pamilyang pinoy.

Mayroon din namang mga klase ng tao na palagi na lang pare parehas ang kinakain na pagkain sa pang araw araw at ito ay lubhang hindi nakabubuti para sa kanilang kalusugan at pangangatawan. Lalo na kung ang mga pagkain na ito ay hindi nagtataglay ng mga sustansya na siyang kinakailangan ng katawan para sa pang araw araw na gawain at pamumuhay. May mga taong tinatawag na vegetarian na kung saan puro prutas at gulay lamang ang kinakain ay mayroon din namang puro isda at manok lamang ang pwedeng kainin dahil sa kanilang diet na ginagawa. Ngunit sa kabilang banda, may mga tao na hindi kasama sa mga diet na ito kaya’t maari nilang kainin ang iba’t ibang klase ng pagkain na siyang nakahain sa hapag kainan.

Lingid sa kaalaman ng nakararami ng ang parehong karne ng baboy at baka ay nagtataglay ng isang partikular na bulate na mayroong kakayahan na magdulot ng hindi magandang epekto para sa iyo at iyong kalusugan. Ang mga bulate ay may kakayahang mag bigay ng mga negatibong epekto sa katawan ng hindi natin namamalayan at sa kabilang banda, may iilang klase rin naman ng bulate na nakakatulong at nakakaganda sa katawan.

Kapa gang mga klase ng bulati na ito ay pumasok sa loob ng iyong pangangatawan, maari itong pumunta sa iba’t ibang parte ng iyong katawan kagaya na lamang ng iyong mga mata, sa iyong mga balat maging sa iyong pinakaiingat ingatang utak. Kahit na isipin lamang na mayroon kang ganitong klase ng bulate sa loob ng iyong katawan ay isang hindi na magandang ideya, bukod pa dyan ay ito ay lubhang nakakatakot at napakadelikado lalo na sa mga possibleng epekto nito para sa iyong kalusugan sa kasalukuyan.

Ayon na lamang sa mga grupo ng doktor na siyang nanggaling pa sa Addenbrookes Hospital sa Cambridge, na mayroong isang pasyente sa hospital na ito na kung saan siya ay namomoblema at nagrereklamo dahil sa kanyang nararanasan na malubhang pagsakit ng kanyang ulo sa hindi madalamang dahilan. Pagkatapos ng ilang pagsusuri na ginawa sa pasyente, siya ay kalaunang bumalik sa hospital, ngunit sa pagkakataong ito, siya na ngayon ay nagrereklamo at dumadaing sa mga panibagong pananakit sa ilan pang bahagi ng katawan at maging sa iba’t ibang klase ng sintomas.

Ayon sa pasyente na ito, siya pa raw ay nangmula sa iba’t ibang lugar sa mundo kagaya na lamang ng China, Thailand, Japan at maging South Korea, na kung saan lahat ay mga sikat o kilala sa mga klase ng kasong may kaugnay at pumapatungkol sa mga parasitong kilala o tinatawag bilang Spirometra Erinaceieuropaei.

Ang pasyente na mayroong ganitong klase ng parasite sa katawan ay makararanas ng iba’t ibang klase ng sintomas kabilang na ang malubhang pananakit ng ulo, kasama na ang paninigas ng katawan at biglaang pagkahina.

Pagkatapos niyang ma-diagnose ng infection ng sparganosis na nagmula sa parasite na ito, dali daliang kinuha ng mga doktor ang mga bulate na ito na siyang matatagpuan sa loob ng kaniyang katawan dahil ito na lamang ang nagiisa at natatanging paraan na maaring gawin ng mga doktor upang tuluyang malunasan ang ganitong klase ng sitwasyon na lubhang napakahirap at delikado kung iisipin.

Ang Thaeniasis ay pumapatungkol sa isang impeksyon na siyang naidudulot ng mga parasite na ito, katulad na lamang ng mga tapeworms na siyang nagmula sa karne ng parehas na baboy at baka at maging ang kilalang Asian tapeworm ay nagmula pa sa mga karne na ito. Ito ay may kakayahan na makahawa sa mga tao lalo na kapag sila ay kumain ng hilaw na karne ng baboy man or baka o kapag kinain nila ito ng hindi tama ang pagkakaluto.

Kung tutuusin, maraming klase ng bulate sa mundo at iba’t iba rin ang dahilan ng pagkakaroon nito. Ngunit sa kabilang banda, maari kang magkaroon ng tapeworm sa loob ng iyong malusog na pangangatawan sa dalawang paraan lamang at ito ay ang sumusunod:

  • Sa pamamagitan ng iyong pagkain ng hindi pa masyadong luto o hindi tama na pagkakaluto ng karne ng isang nalalinan na baboy.
  • Sa kabilang banda, maari ka ring magkaroon nito sa loob ng iyong katawan sa simpleng paghawak mo lang sa dumi ng baboy o kahit sa dumi ng tao.

Ang pagkakaroon ng isang malusog na pangangatawan ay hindi sapat na dahilan upang hindi ka tamaan ng kahit na ano mang uri ng sakit. Kinakailangan mo ng ibayong pagiingat sa lahat ng iyong mga kinakain partikular na sa mga karne sapagkat ang mga ito ay kumakain ng kahit na anong klase ng pagkain na iyong ihahain. Kailangan mo rin ng ibayong disiplina sa mga bagay na iyong gagawin. Palaging magehersisyo sa umaga o sa oras na maari mong itong magawa dahil kasabay ng pagkain ay ang pagkakaroon ng aktibong katawan upang maging handa sa kahit anong aktibidad na gagawin para sa buong araw. Dalasan mo rin ang pagkain ng mga prutas at gulay na siyang nagtataglay ng mga sustansiya na siyang kinakailangan ng katawan. Iwasin mo na rin ang ilan sa mga gawain na siyang hindi naman nakatutulong sa iyo bagkus dumadagdag pa sa sakit na iyong maaring maranasan kagaya na lamang ng paninigarilyo at madalasang paginom ng alak at iba pa. Ang lahat ng ito ay magsisimula sa iyo, ingatan mo ang iyong kalusugan at katawan bago pa man mahuli ang lahat. Ibahagi mo rin ang impormasyon na ito sa iyong mga kapamilya at kamaganak upang matulungan din sila ng artikel na ito.

Leave a Reply