Ito pala ang mga medikasyon na hindi dapat natin pinag sasabay-sabay

0
412

Ang pagkakadiskubre at ang pagkakaimbento sa mga medisina na siyang nakakatulong ng higit para sa kalusugan ng tao ay isa sa mga pinaka maganda at pinaka magaling na bagay na siyang nagawa ng tao sa buong sangkatauhan at sa tulong at pamamagitan ng mga ito ay nagiging talagang mas madali ang buhay sapagkat hindi na nahihirapan ang mga tao sa paggamot sa kanilang mga sakit na nararamadaman at bukod pa riyan ay natutulungan din sila ng mga ito upang mas lumusog kagaya na lamang ng mga vitamins.

Ang mga tao sa panahon ngayon ay hindi na nahihirapan sa iba’t ibang uri ng mga sakit at karamdaman na kanilang nararamdaman sapagkat kahit na anong oras ay maari silang pumunta sa kanilang doktor upang humingi ng reseta at dumiretso sa mga botika na malapit upang bumili ng gamot na kanilang kinakailangan upang sila ay matulungan sa kanilang nararamdaman at mas mapahaba pa ang kanilang buhay.

Sa kabilang banda, ang magandang dulot na siyang hatid ng mga gamot na ito ay maari ring makapagdulot ng kapahamakan sa kalusugan ng tao kapag hindi tama ang paggamit dito kaya nararapat lamang na maging mas maingat sa paggamit ng mga ito at kung maari ay palaging susundin ang payo at kung ano man ang inirereseta ng iyong doktor para sa iyo.

Mabuti na lamang at mayroong mga over the counter na mga gamot o medikasyon na siyang maaring mabili ng kahit na sino kapag sila ay nagkaroon ng mga sakit na katulad na lamang ng lagnat, ng ubo, ng sipon, ng ngipin at maging ang pananakit nga parehas na ulo at katawan. Mayroong napakaraming bilang ng mga gamot na maari mong mabili sa mura at tamang halaga na siyang makatutulong higit sa pagpapawala ng mga sakit na siyang nararamdaman at nagpapahira sa iyo. Ang ilan sa kanila ay kinakailangan ng ilang oras bago tuluyang umipekto ngunit ang ilan naman ay sa saglit lang na oras ay eepekto na agad.

Gayunpaman, alam mo ba na mayroong ilang klase ng mga gamot o medikasyon na ito ang siyang hindi mo dapat inumin ng sabay sabay dahil ang mga pinaghalong epekto na siyang taglay ng mga gamot na ito ay maaring makapagdulot ng negetibong epekto at makasama para sa iyong kalusugan sa halip na ikaw ay matulungan nito upang mapagaan ang iyong karamdaman at mawala ang sakit na nararamdaman?

Oo, talagang totoo ang bagay na ito na kaya nararapat lang na mas maging maingat ang mga tao pagdating sa paginom ng mga gamot at hindi basta basta na lamang pagsabay sabayin ang paginom sa mga ito. Sa isang social media account na, Facebook page, mayroong isang tao na siyang nagpost ng isang babala para sa mga netizens at sinasabi sa post na ito ay huwag pagsasabay sabaying inumin ang mga sumusunod na gamot na aming ibabahagi sa inyo sa tulong ng artikel na ito.

Narito na ang mga gamot na hindi niyo dapat pagsabay sabaying inumin:

  • Ang Alaxan at ang Biogesic

Dapat mong itatak sa iyong isipan na kahit kailan ay hindi mo dapat pagsabaying inumin ang dalawang gamot na ito sapagkat ang mga ito ay parehas na naglalaman o nagtataglay ng paracetamol at kapag ikaw ay nasobrahan o na-overdose sa gamot na ito ay maari itong makapadulot ng problema sa iyong atay o ang pinaka malala ay ang pagkakaroon ng sakit na kanser.

  • Ang Neozep at ang BioFlu 

Ang pinagsamang gamot na ito ay isa pa sa mga bagay na dapat mong tandaan na kahit kailan ay hindi mo dapat pagsabayin na inumin dahil ang mga ito ay parehas din na Paracetamol Phenylephrine Chlorphenamine na siyang nagtataglay lamang ng magkaibang pangalan. Ang sobrang paggamit sa gamot na ito ay magdudulot ng hindi magandang epekto para sa iyong katawan at kalusugan.

  • Ang Alaxan at ang Medicol 

Katulad na lamang ng dalawang kombinasyon sa taas, ang dalawang gamot na ito ay hindi mo rin dapat pagsabayin na inumin sapagat ang parehas na gamot na ito ay kilala bilang anti-inflammatory medicines at parehas din silang nagtataglay ng Ibuprofen na siyang hindi maganda para sa kalusugan kapag nasobrahan.

Narito pa ang ilan sa mga gamot na hindi mo rin dapat pagsabaying inumin:

  • Ang Neozep at ang Biogesic
  • Ang Biogesic at ang BioFlu
  • Ang Alaxan at ang Neozep
  • Ang Alaxan at ang BioFlu

Kahit na pa hindi sinabi na napatunayan na ng lubos ang impormasyon na nakalap na ito ng husto ng mundo ng medisina, sinasabi pa rin na huwag gagamitin ang mga gamot na ito at sabayan ng paginom ng alak sapagkat maari itong makagawa at makapagdulot ng isang toxic na kemikal sa loob ng iyong katawan na maaring ikasira ng tuluyan ng kalusugan ng iyong atay.

Ayon sa Express Repost, ang paracetamol ay mayroong kakayahan na makasira ng kalusugan ng atay sa pamamagitan ng “pagkasira ng mga vital structure connections sa pagitan ng mga adjacent cells sa mga organs.”

Sa kabilang banda, ipinaliwanag naman ng isang professor na siyang nagmula pa sa Edinburg University na si Professor Nelson na ang paracetamol ay isa sa mga pinaka ginagamit na over the counter medicine at prescription na analgesic drug saan mang sulok ng mundo. Kapag ang isang tao ay nasobrahan sa dosis ng gamot na ito, maari mangyari ang acute liver failure at ang sakit na ito ang siyang madalas na nararanasan ng mga tao mula sa UK, US, Europe at sa Australia.

Dagdag pa ni Professor Nelson, “Dahil sa narrow therapeutic index, ang karaniwan at madalas na dosis ng paracetamol ay malapit na sa overdose at dahil madali lamang makuha ang gamot na ito ay kinakailangan na magbigay ng atensyon at magingat ng lubusan sa paggamit nito.”

Kaya ang lubhang pagiingat ay talagang kinakailangan at maging ang pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa mga ganitong uri ng bagay. Kaya sa susunod na ikaw ay magkakaroon ng sakit o kahit na anong uri ng karamdaman at sinubukan mo magself-medication, kinakailangan mo lamang na tandaan ang listahan ng mga gamot na ito na hindi mo dapat pagsabaying inumin at nararapat mo lang ding siguraduhin na komunsulta muna sa iyong doktor upang mas matulungan ka at mas mabigyan ng mas mabisang gamot na iyong kinakailangan.

Leave a Reply