Ito pala ang 20 na mga gamot na nagiging sanhi ng ating pagkalimot

0
1452

Hindi natin kayang patigilin ang oras kaya naman ang tanging magagawa natin ay damhin ang bawat sandali at saka ito ipunin sa ating alaala. Masarap balikan ang ating mga masasayang alaala dahil muli ay napapaalala sa atin kung ano ano ang mga bagay na nagpasaya sa atin at atin namang pinahalagahan. Hindi lang iyan, kahit sa mga simpleng bagay ay napakahalaga ng ating memorya. Halimbawa na lamang, mahalaga na maalala natin kung saan natin inilagay ang isang bagay upang madali natin itong mabakikan at makita sa oras na kailanganin nito ito. Tunay nga, napakalaking tulong na pinagkalooban tayo ng ganitong klaseng pag-iisip.

Subalit sa ating pagtanda ay pabawas ng pabawas ang kakayahan ng ating isipan na makaalala. Ito ang dahilan kung bakit ang ating mga lolo at lola ay nagiging makakalimutin na. Mayroong mga taong gumagawa ng mga paraan upang mapanatili ang katalasan ng kanilang memorya gaya na lamang halimbawa sa papamagitan ng pagbabaasa ng mga libro. Mayroon din namang hinahayaan na lamang ito dahil natural na bahagi naman ito ng pagtanda. At mayroon din ibang nilalabanan ito sa pamamaagitan ng pag-inom ng mga gamot.

Hindi maitatanggi na sa panahon natin ngayon, maraming tao na ang nakadepende sa mga modernong medisina. Hindi lamang sa pagpapanatili ng kanilang memorya, kundi maging sa pagpapagaling pa ng iba’t ibang uri ng sakit, lalo na yung mga may edad na. Sa totoo lang ay mahirap nang makakita ng isang taong hindi dumidepende sa gamot upang mapanatili o mapanumbalik ang kalakasan ng kaniyang katawan. Subalit, hindi naman palaging kaginhawaan ang dulot ng mga ganot sa atin, minsan ay mayroon din silanf masasamang side effects. Sa katunayan nga ay naitala sa Estados Unidos na marami sa kanilang populasyon ang namamatay dahil sa hindi magandang reaksyon ng kanilang katawan sa mga ininom nilang gamot.

Sa bansang USA pa lamang ay halos humigit na sa 100,000 na kaso ng pagkamatay dahil sa gamot ang naitatala taon taon. Nakakalungkot at nakakatakot isipin na ang mga gamot na dapat sama ay magpapagaling sa mga taong ito ay siya pang kumitil sa kanilang mga buhay. Nakababahalang lubusan dahil ito man ang pinakamalalang dulot ng side efefects, marami pa itong ibang malubhang epekto sa kalusugan ng tao. Halimbawa na lamang, kapag ikaw ay uminom ng gamot at hindi maganda ang reaksyon ng katawan mo dito, maaari kang magkaroon ng iba pang uri ng sakit bukod pa sa kung ano ang meron ka na.

Dahil din sa mga side effects na ito ay humihina ang memorya ng tao kahit pa bata pa naman siya at malayo pa sa edad kung saan nagsisimula nang maging makakalimutin. Sa artikulong ito ay ipapaalam namin sa inyo kung ano ano nga ba ang mga gamot na nagbibigay ng masamang side effects sa tao, na siya namang sumisira sa ating memorya.

Una sa lahat, ang mga sleeping pills na ginagamit ng maraming tao ay maaaring makapagpagina ng ating memorya. Karaniwan ito ay ginagamit ng mga taong hindi makatulog. Dahik nga “dinaya” nila ang kanilang oagtulog at hindi hinayaan ang kanikang utak na kusang maglabas ng mga hormones upang sila’y antukin ay magkakaproblema sila sa oag-function ng kanilang utak, na sanhi ng pagiging makakakimutin. Isa pa, masama rin ang pag-inom inom ng sleeping pills dahil halos kapareho na ito ng pagiging comatose kaya dapat itong iwasan at huwag tangkilikin.

Mayroong iba’t ibang uri ng sleeping pills. Ilan na ditk ang Sonata at Lunesta. Ngunit ang pinaka dapat iwasan ay ang Ambien dahil ito ay tinatawag din bikang “amnesia drug”. Isang inom mo pa lamanv nito ay maaari ka nang makaranas ng “sleep walking”, kung oalagi mo pa itong iinumin ay makakaramdam ka rin ng takot tuwing sasapit ang gabi at magkakaroon ka ng mga guni guni. Imbis na pakalmahin ka at patulugin ng gamot na ito ay mas lalo ka pang hindi mapapalagay kaya mas makabubuti kung huwag na lang talagang uminom ng mga ganitong klaseng pills.

Sunod ay ang mga gamot na nakapagpapataas ng level ng iyong acetylcholine tulad ng antibiotics, antidepressants, antihypertensives, at iba pang gamot na may “anti” sa pangalan. Ang acetylcholine kasi ay ang siyang nagpapatalas sa iyong kaalaman at isipan kaya mahalaga na mapanatili ito sa tamang level. Kung bababa naman ito ay posibleng lumabo ang iyong paningin maliban sa pagkakaroon ng mga karamdamang may kinalaman sa memorya kagaya na lamang ng dementia.

Bukod sa mga ito, ang pag-inom ng statin drugs ay maaari ring makaapekto sa iyong memorya. Ang mga gamot na ito naman ay nagpapababa ng level ng kolesterol ng isang tao. Oo nga’t masama ang mataas na level ng kolesterol, ngunit masama rin naman kung ito ay sobrang baba dahil kaapat na bahagi ng ating utak ay binubuo ng kolesterol na siyang responsable sa ating pag-iisip at memorya.

Maliban sa mga ito, nasa ating listahan din ang Dilatin o Phenytoin. Ang mga medisinang ito ay karaniwang ginagamit upanggamutin ang mga sakit na epilepsy at pagkahimatay. Ngunit, kung ang isang tao ay iinom nito ay posibleng humina na ang kaniyang memorya. Maging ang mga medisinang ginaganit uoang gamutin ang mga allergies kagaya na lamang ng antihistamines y dapat ding iwasan, pati na ang mga antibiotics tulad ng quinolones.

Ang iba pang gamot na nakaaapekto sa ating memorya ay ang mga sumusunod: mga gamot na karaniwang ginagamit sa chemotherapy, gamot sa high blood pressure o altapresyon, mga medisinang tulad ng xanax, valium, dalmane, at ativan, pati na rin ang quinidine  at naproxen; Kabilang din sa mga ito ang mg barbitirates tukad ng amytal, phenobarbital, seconal, at nembutal, pain relievers gaya ng morphine ag heroin, antidepresents tulad ng trycyclic; insulin, interferon, at lithium, maging ang methyldoa at mga beta-blockers na gamot sa sakit na glaucoma.

Sa dami ng mga gamot na ito na mahirap pang tandaan ang pangalan, paank tayo ngayon makasisiguro na hindi tayo makakainom ng mga gamot na ito. At oaano na lamang kung talagang kininakailangan na nating ikonsumo ang mga medisinang ito, ano na lang ang ating gagawin? Ang sagot ay simple lang, huwag mong kalimutang magtungo sa doktor upang matignan nika kung saang gamot ka magiging “compatible” at hindi ka magdurusa sa side effects. Mahalagang makipag-ugnayan tayo sa mga medical professionals upang mapayuhan nila tayo kung mayroon bang mga alternatibong gamot tayo na pwedeng inumin. At kung dumating naman sa punto na kailangan na talaga nating ikonsumo ang mga medisinang nabanggit sa ktaas, sabayan mo na lamang ito ng pagiging aktibo at pag-eehersisyo upang mapanatili pa rin ang iyong kalusugan.

Leave a Reply