Ito ang dapat gawin kapag mahina ang ating pandinig, manunumbalik ito sa loob ng 2 araw!

0
7362

Ang pagkakaroon ng problema sa pandinig ay dulot ng napakaraming bilang ng mga dahilan at kabilang na dito ang sugat sa tenga, ear trauma, sakit at kung minsan ay dahil sa impeksyon o sadyang minana mo lang sakit na ito mula sa kung sino man sa inyong pamilya. Pero mayroong mga pagkakataon na ang talagang nagiging sanhi nito ay ang sobrang ingay na siyang nanggagaling mula sa iyong kapaligiran, lalong lalo na ng mga taong nakapaligid sa iyo.

Ang pang araw araw na ingay na siyang nakapagdudulot ng kakaibang micro damage o kaunting pagkasira sa iyong auditory cells, at sa pagkalipas ng maraming taon sa pagdaan ng panahon, ito ay maaring magresulta sa tuluyang paghina ng iyong pandinig at kung hindi man ito mabibigyan ng pansin at agarang lunas, maari rin itong humantong sa tuluyang pagkabingi at pagkawala ng iyong pandinig.

Dahil dito ay mahihirapan ka na makarinig, partikular na sa mga bagay na kinakailangan ng atensyon, hindi mo na rin masyadong maiintindihan kung ano ang mga sinasabi ng mga tao na siyang nakapaligid sa iyo at madalas ay tila nagmukmukha ka na lamang na tanga dahil hindi mo maintindihan ang sinasabi ng taong kausap mo at madalas pa ang pagkalito na siyang mararanasan mo. Mayroon pa ngang mga pagkakataon na kung saan ito ay nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan na siyang nagreresulta sa matinding away at walang katapusang tampuhan.

Mabuti na lamang at mayroong mga natural na pamamaraan na maaring gamitin upang malunasan ang ganitong klase ng mga problema na siyang napakahalaga para sa atin bilang tao na mabigyan ng pansin. Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga pamamaraan na maari ninyong gawin upang makatulong na maibalik muli ang normal mong pandinig.

NARITO ANG NATURAL NA MGA PANLUNAS NA SIYANG MABISA MONG MAGAGAMIT UPANG MANUMBALIK SA DATI ANG IYONG PANDINIG:

  • Cinnamon at Honey

Ang Cinnamon nagtataglay ng mayamang halaga ng anti-oxidant na siyang dahilan sa likod ng kaniyang maraming benepisyo para sa kalusugan at malusog na pangangatawan. Ang isa sa mga benepisyo nito ay ang kakayahan nitong matulungan ang katawan upang balansehin ang insulin na siyang dulot ng carbohydrates. Ito ay mayroong malaking ambag para sa pagpigil ng diabetes at iba pang uri ng sakit na konektado dito. Ang cinnamon ay hindi lamang nakatutulong para sa pagbabalik ng iyong pandinig ngunit sa iba pang parte ng iyong katawan.

Sa kabilang banda, ang pulot o kilala rin bilang honey sa ingles ay isang uri ng natural na pampatamis ngunit lingid sa kaalaman ng ibang tao, ito ay nagtataglay ng napakaraming nutrisyonal at maging medikal na katangian. Ito rin ay nagtataglay ng maraming benepisyo para sa iyong kalusugan hindi lamang bilang lunas sa iyong nararamdaman sa iyong tenga dahil ito ay mayroong mayamang halaga ng mga minerals na katulad na lamang ng potassium, magnesium, calcium, sodium, chloride, sulfur, iron, copper, iodine at maging ang zinc. Ang mga minerals na ito ay mayroong kakayahan na makapagbigay ng sapat na sustansiya na siyang kinakailangan ng katawan ng bawat tao. Mayroon din itong choline, na siyang kilala bilang napakahalagang Vitamin B na kinakailangan ng ating utak upang ito ay maging malusog at aktibo.

Ang kakailanganin mo lamang na gawin ay gumawa ng isang mixture ng isang (1) parte ng cinnamon powder at isa (1) ring parte ng raw honey. Gamitin mo ang pinaghalo na ito upang dumulas ang iyong tenga sa loob lamang ng dalawang (2) beses sa isang araw, isa (1) sa umaga sa iyong paggising at isa (1) muli sa gabi bago ka tuluyang matulog. Magugulat ka na lamang sa magiging resulta nito sapagkat babalik sa dati ang iyong pandinig at mas magiging mabisa pa ito.

  • Green Tea at patak ng Red Wine

Ang paginom ng tsaa o kilala rin bilang green tea ay naging parte na ng kultura ng maraming bansa sa buong mundo lalong lalo na ang China, India at Japan na siyang nagsimula noong unang panahon pa lamang. Sa pagaaral na siyang isinagawa ng mga eksperto at mananaliksik ay nagpapakita na ang regular at madalas na paginom ng tsaa ay nagtataglay ng napakaraming benepisyo para sa kalusugan at pangangatawan ng tao. Hindi lamang ito epektibo sa pagbabawas ng timbang na siyang madalas na kilala na gamit nito ngunit ito rin ay nakatutulong upang magkaroon ka ng malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng natural na pamamaraan.

Sa kabilang banda, ang red wine naman ay naglalaman lamang ng mahigit kumulang lima (5) hanggang sa labing limang (15) porsyento ng alkohol o alak na siyang gawa mula sa ubas. Ang wine ay sinasabing nakatutulomg sa pagbawas ng timbang, sa pagkalimot, sa pagpapalakas at pagpapatibay ng immune system at maging sa pagpapalakas ng mga buto.

Alam naman ng halos lahat ng tao na ang isang baso ng red wine ay mayroong malaking maitutulong para sa kalusugan ng ating puso, maging ang pagpapabuti ng ating kalooban, pagiwas sa sakit na kanser at pagpapalakas ng immune system. Ngunit para sa kaalaman ng nakararami, maari rin itong magamit bilang lunas sa problema sa pandinig. Ang antioxidant na siyang makikita sa wine ay mayroong kakahayan na makatulong upang maprotektahan ang mga buhok na nasa loob ng tenga. Kakailanganin mo lamang na haluin ang pantay na dami ng parehas na red wine at green tea. Maglagay ng mahigit dalawang (2) patak nito sa magkabilaang tenga, dalawang (2) beses sa isang araw, isa (1) sa umaga sa iyong paggising at isa (1) muli sa gabi bago ka matulog.

  • Patak ng Bawang o Garlic drops

Ang bawang o kilala bilang garlic sa ingles ay isang popular at talagang kilala na uri ng halaman na siyang karaniwan at madalas na ginagamit sa loob ng kusina para sa iba’t ibang klase ng mga lutuin bagay. Maraming tao ang hindi nakakaalam ng katotohanang ito, ngunit ang bawang ay nagtataglay ng mga benepisyo para magkaroon ang tao ng isang malusog at  magandang pangangatawan. Ang bungang ugat ng bawang ay naglalaman ng saponins, tannins, sulfurous compound, prostaglandins, alkaloids, volatile oils at Allicin. Samantalang ang dahon naman ng bawang ay nagtataglay ng protein, fat at sulfides.

Mayroong napakaraming bilang ng silbi ang bawang at magagamit din ito bilang panlunas sa napakaraming uri ng mga sakit. Sa kabuting palad, ito rin ay maari mong gamitin bilang lunas sa iyong problema sa pandinig. Kakailanganin mo lamang na prituhin ang limang (5) garlic cloves sa tulong mahigit 30 ml ng extra virgin olive oil sa mababang temperature sa loob lamang ng sampung (10) minuto.

Kapag ito ay nagkulay ginto na, pisilin mo ang garlic cloves upang makuha mo ang taglay nitong katas. Alisin mo ang natitirang bawang sa olive oil. Maglagay ka ng tatlo (3) hanggang sa apat (4) na patak sa bawat tenga sa pang araw araw at maari ka ring gumamit ng cotton swab para rito. Sa maikling panahon lamang, magiging mabuti na muli ang iyong pakiramdam at babalik na sa normal ang iyong pandinig.

Leave a Reply