Halaman na kayang mapabuti ang ating paningin kahit tayo ay 70 taon na

0
3775

Napakaraming bilang ng mga tao hindi lamang dito sa Pilinas kung hindi maging sa buong mundo ang nakakaranas ng iba’t ibang klase ng problema pagdating sa kanilang mata at paningin. Mayroon pa ngang mga pagkakataon na kung saan kinakailangan mo pang magsuot ng salamin sa mata at kapag ito ay hinubad mo sa gabi, at hindi mo magawang makita sa umaga sa iyong paggising, ito ay nagdudulot ng isa pang mas malaking problema para sa iyo.

May mga taong napagkakamalan na hindi namamansin ng dahil sa kalabuan ng mata na mayroon sila. Kadalasang sinasabi na sila ay masungit dahil sa ganitong sitwasyon sapagkat hindi nila magawang makakilala ng tao ng dahil sa kanilang malabong paningin. Napapadalas din ang mga pagkakamali katulad na lamang ng pagpasok sa maling palikuran na para sa babae kapag ikaw ay lalaki. Maging ang hindi makapagbasa ng maayos at napakarami pang ibang klase ng mga problema. Marahil isa ka sa mga taong pagod ng humanap ng solusyon na problema mong ito.

Bakit kakailanganin mo pang gumastos ng napakarami at napakalaking halaga para lamang sa isang mamahaling klase ng salamin kung maari mo namang mapabuti ang malabo mong paningin sa tulong ng isang mabisa at natural na pamamaraan? Bakit nga ba bawat taon at paglipas ng panahon ay pa iba iba na ang salamin na siyang binibigay sa iyo ng iyong eye doctor? Hindi ba dapat ito ay nakatutulong upang maging maayos ang iyong paningin?

Ang mga mata ng tao ay lubhang nangangailangan ng mga Vitamins katulad na lamang ng A, C at E at maging ng mga minerals kagaya ng copper at zinc upang mas gumana ng maayos at mas maging malinaw ang paningin nito.

Ang antioxidants, beta-carotene, lutein at maging ang zeaxanthin ay mayroong kakayahan na protektahan ang macula laban sa matinding sinag ng araw. Ang mga ito ay karaniwang nakukuha sa mga pagkain na kagaya ng leafy greens, egg yolks, yellow peppers, pumpkin, sweet potatoes at maging sa carrots. May napapansin ka ba na pagkakapare parehas ng mga pagkain na ito? Silay ay mayroong color patterns. Isang pagaaral ang siyang isinagawa at nagsasabi na ang pagkain ng mga yellow at green vegetables ay nakatutulong para sa age-related macular degeneration, kilala bilang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit lumalabo ang mata ng tao.

Sa kabilang banda, ang mga pagkain naman na siyang mayaman sa sulfur, cysteine at lecithin ay talagang mabuti para sa lens ng mata at pinipigilan din nito ang formation o pagkakaroon ng cataract. Ang mga ito ay kadalasang makukuha sa mga pagkain na kagaya ng garlic, onions, shallot at capers.

Ang mga pagkain naman na siyang kilala na nagtataglay ng mataas na antas ng anthocyanin ay ang blueberries, grapes at maging ang goji berries na siyang mabisa ang antioxidant at anti-inflammatory na katangian na siyang makatutulong ng lubos sa pagpapalinaw ng paningin.

Ang DHA naman ay kilala bilang isang fatty acid na siyang natural na makikita sa cold-water fish katulad na lamang ng wild salmon, sardines, mackerel at cod. Ito ay mayroong kakayahan na suportahan ang cell membranes ng mga mata ng tao.

Ang mga salamin na siyang ginagamit sa mata upang makakita ng maayos ay hindi nakakapagpagpabuti o tuluyang nakakapagpagaling ng iyong malabong paningin. At kapag hindi mo nabigyan ng pansin at agarang lunas ang tunay na dahilan o ugat ng problema sa pagkalabo ng iyong mata ay maaring magpalala ng iyong kondisyon. Ngunit, hindi mo na kailangang magalala pa sapagkat ang artikel na ito ay nagtataglay ng isang kakaiba, natural, epektibo at mabisang pamamaraan upang mapanumbalik ang dating sigla at dating linaw ng iyong paningin. Ibabahagi namin sa inyo ang isang uri ng homemade at all natural resipe na siyang makatutulong sayo. Napakadali lamang gawin ng resipe na ito at napakadali lamang mahanap at mahagilap ang mga sangkap na iyong kakailanganin sa paggawa nito. Narito na ang pamamaraan na dapat mong gawin bilang solusyon sa iyong problema sa mata at paningin:

Mga kakailanganing sangkap:

  • 100 grams na Aloe Vera juice
  • 500 grams na crushed o dinurog na Walnuts
  • 300 grams na Honey
  • 3 hanggang 4 na piraso ng Lemon (lemon juice)

Mga preparasyon sa paggawa:

Simple lamang ang kailangan mong gawin upang makagawang resipe na ito at hindi mo gaano kakailanganin ng oras at effort sa paggawa nito. Ihalo mo lamang lahat ng mga sinabing sangkap sa tulong ng isang blender. Haluin mo ito ng mabuti hanggang sa maging pino at puro na ang pagkakahalo nito. Tandaan mon a bago ito gawin at simulant, marapat lamang na hugasan mo munang mabuti ang mga dahon sa tulong ng isang malamig na pinakuluang tubig at alisin mo rin ang mga spikes na mayroon ito.

Gamitin ang resipe na ito sa loob ng tatlong (3) beses sa isang (1) araw. Isang (1) kutsara ng resipe na ito ang dapat mong kainin sa loob ng trenta (30) minutos bago ka kumain. Gawin ito hanggang sa makakita ka na ng magandang resulta at hanggang sa luminaw na ang iyong paningin.

Mayaman ang resipe na ito sa mga vitamins at nutrients na siyang kailangan hindi lamang ng iyong mata maging ng iyong katawan para sa isang magandang at malusog na kalusugan at pangangatawan.

Maari mo itong itago sa loob ng inyong refrigerator upang magamit mo pa sa susunod na sampung (10) araw.

Ito ang dapat mong tandaan:

Kailangan mong mag ingat sa paggamit ng Aloe Vera sapagkat mayroong pagkakataon na maari itong magdulot ng problema sa iyo kapag ikaw ay mayroong kondisyon na katulad na lamang ng acute renal diseases, gastrointestinal disorders at nasa las trimester ng pagbubuntis, pamamaga ng ari sa mga babae, cardiovascular diseases, tuberculosis at maging ang hemorrhoids. Ang Aloe Vera na iyong gagamitin ay hindi rin dapat mas tatanda sa tatlong (3) o mahigit pa.

Nirerekomenda rin na ikaw muna ay komunsulta sa iyong doktor bago mo pa man tuluyang simulan ang paggamit ng resipe na ito upang maiwasan ang ano mang klase ng komplikasyon. Mas mabuti ng ikaw ay maging maingat kaysa magsisi sa huli.

Leave a Reply