Alamin kung ano ang kinalaman ng kulay ng ihi mo sa iyong kalusugan

0
285

Maraming tao ang hindi nakakaalam ng bagay na ito ngunit sa totoo lang ay napakaimportante na ang lahat ng tao sa mundo ay mabigyan ng impormasyon tungkol sa kakaibang bagay na ito na maaring makatulong at maagapan ang mga nagaabang na sakit sa lalong madaling panahon bago pa man ito tuluyang lumalala at mas magpahirap ng iyong kondisyon.

Napakaraming bilang ng iba’t ibang klase ng mga bagay ang maari mong malaman sa tulong ng iyong katawan, partikular na ang kulay na siyang madalas mong nakikita sa ihi mo. Ang amoy, dami at maging ang kulay nito ay mayroong kakayahan na makapagbigay ng ilang palantandaan kung ano ang ginagawa at ipinapasok mo sa loob ng iyong katawan. Ito ay nakabase sa mga kinakain mong mga pagkain at maaring may kaugnayan ang mga ito sa sakit na hindi mo alam na mayroon ka na pala.

Kung tutuusin, ang ihi ng tao ay halos gawa sa tubig lamang na siyang umaabot sa 95%, pero ang natitirang porsyento ay binubuo ng isang komplikadong mixture na kasama ang urea, chloride, sodium, potassium, creatinine at maging ang mga dissolved ions. Kabilang din sa mga ito ang iba’t ibang inorganic at organic substances. Ayon sa mga eksperto, ang karaniwan at ang sinasabing madalas na kulay ng ihi ay kulay dilaw o yellow sa ingles, na nangyayari dahil sa uroblin, kilala bilang isang biochemical waste product na siyang gawa sa dahil sa pag-breakdown ng mga lumang red blood cells. Sa kabilang banda, ang katawan ng tao ay mayroong kakayahan na makagawa ng halos dalawang (2) milyo na bagong red cells sa pang araw araw at ginagamit din nito muli ang pantay na dami ng mga lumang red blood cells na siyang matatagpuan sa loob ng katawan.

Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga ibig sabihin ng mga kulay na siyang mayroon ang iyong ihi. Maaring sinasabi nito na mayroon kang isang maganda at malusog na pangangatawan ngunit huwag kang magpakakampante sapagkat maari rin nitong sabihin na ikaw ay mayroong sakit. Ito ay lubhang makatutulong upang maiwasan ang mga nagbabadyang mga sakit.

NARITO ANG ISANG COLOR CHART UPANG MALAMAN MO KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG KULAY NG IHI MO:

  • Transparent

Ang uri ng ihi na ito ay kadalasang nagmumukhang normal na tubig lamang. Sinasabi na ito ay senyales ng over-hydration o sobrang paginom ng tubig. Sa kabilang banda, hindi naman ito mapanganib katulad na lamang ng dehydration, ngunit binabawasan nito ang mga essential salts katulad na lamang ng electrolytes na siyang nagdudulot ng chemical imbalance sa dugo ng tao.

  • Light Yellow

Isa sa mga madalas na makitang kulay ng ihi ay ang light yellow. Ito ay parang malabnaw na dilaw na kulay ng straw. Normal lamang ang ihi na ito, ibig sabihin ay well hydrated ka o tama lamang ang tubig sa loob ng iyong katawan.

  • Cloudy

Ang klase ng ihi na ito ay parang mayroong kulay ng ulap na martini. Kapag mayroon ka ng ganitong klase ng ihi, kung ito ay malabo o cloudy ang kulay ay baka mayroon kang bladder infection. Madalas itong nangyayari ng dahil sa breakdown at pagbubuo ng mga mucus, tissues at proteins.

  • Medium Yellow

Ang ihi na ito ay sinasabing parang lemonade. Ito ay dahil ikaw ay dehydrated o kulang sa tubig ang iyong katawan. Dapat ay makainom ka ng walong (8) baso ng tubig sa loob ng isang araw o higit pa.

  • Dark Yellow

Ang uri ng ihi na ito ay parang apple juice. Sa mga ganitong pagkakataon, kinakailangan mo na talagang uminom ng tamang dami ng tubig sapagkat ipinapakita nito na sobrang dehydrated na ang iyong katawan. Ang paginom o pagkain ng maraming Vitamin B ay isa pang dahilan kung bakit ganito ang kulay ng iyong ihi.

  • Orange

Ang ihi na ito ay sinasabing halos kakulay ng Tang. Ibig sabihin lamang nito ay ikaw sobrang dehydrated at kinakailangan mo na talagang uminom ng sapat na antas ng tubig. Ito ay isang indikasyon ng pagkakaroon ng bilirubin sa iyong ihi, isa itong kulay dilaw o yellow na produkto ng pag-breakdown ng mga lumang red blood cells. Ang isang dahilan nito ay baka mayroong nakaharang na gallstone sa bile ducts na siyang nagsasala sa bilirubin. Isa pang dahilan nito ay baka mayroon kang sakit sa atay.

  • Pink

Sinasabi na ang uri ng ihi na ito ay maaring dugo. Kapag ang ihi at dugo ay naghalo sa loob ng iyong katawan, ito ay nagreresulta sa kulay na pink. Subukan mong pumunta sa isang urologist upang makasiguro dahil baka ito ay isang sintomas na ng isang impeksyon o maagang indikasyon ng bladder cancer.

  • Darker Pink

Ang kulay na ito ay isa ring indikasyon na mayroong dugo sa iyong ihi at maari ring sintomas ng isang bladder infection o bladder cancer. Ang kidney stones ay maari ring maging dahilan kung bakit ganito ang kulay ng ihi mo.

  • Dark Pink

Ang klase ng ihi na ito ay para ng red wine. Sinasabi na ito ay sobrang dugo na sa ihi at dapat ka nang magalala sa ganitong klase ng kondisyon. Ang mapanganib ay baka ito ay lumang dugo na siyang malalim ang kulay ng dahil sa embolism. Ang isa pang ibig sabihin nito ay baka matagal na ang dahilan ng pagdurugo sa loob ng iyong katawan. Magpakonsulta ka na sa iyong doktor sa lalong madaling panahon.

  • Brown

Ang ihi na ito ay sinasabing parang itsura o kulay ng coke. Ang mga drugs katulad na lamang ng anti-malarial chloroquine at metronidazole na isang uri ng antibiotic ay maaring dahilan kung bakit ganito ang kulay ng iyong ihi. Mayroon din namang mga pagkakataon na kung saan ito ay dulot ng liver at kidney disorders o pageehersisyo ng sobra. Ang mga muscles ng katawan mo ay gumagamit ng myoglobin upang magkaroon ng oxygen para sa pagkakaroon ng enerhiya. Kapag nasobrahan ito ng trabaho ay maaring ikasira ng iyong muscles at ang myoglobin ay pumapasok sa blood stream at madalas na napupunta sa iyong ihi. Kailangan mong pumunta sa isang physician sa lalong madaling panahon upang magpasuri gamit ang myoglobin urine test. Sinasabi na ang sobrang myoglobin sa dugo ay masama para sa iyong kidney at baka maging dahilan ito ng kidney failure o mas malalang sakit.

  • Blue o Green

Ang klase ng ihi naman na ito ay parang jelly ace blue o green. Ito ay madalas na nangyayari dahil sa sobrang pagkain ng mga tinted foods na mayroong synthetic dyes. Pero isa pang madalas na dahilan nito ay ang negatibong epekto ng medikasyon katulad na lamang ng uribel na siyang ginagamit na gamot para sa UTI. Ang kulay na ito ay dahil sa methylene blue component na siyang mayroon ang gamot na ito. Hindi ito dapat ikabahala at kakailanganin mo lamang uminom ng maraming tubig upang manumbalik sa normal at dati nitong kulay.

Leave a Reply