6 Halaman na inaalis ang toxic at mabahong hangin at nakakapag parelax sa inyo sa loob ng bahay

0
2024

Matapos ang nakakappagod na araw sa eskwela o kaya opisina, lahat tayo ay naghahangad ng isang mabuting pahinga pagdating sa ating bahay. Subaalit minsan, may mga pagkakataon na di tayo mapakali o hindi tayo nakapag-relax kahit pa nasa ating tahanan na tayo.

Sa ganitong suliranin, mayroon kaming irerekomenda na tiyak na makakatulong sa iyo. Sinong nagsabing kailangan mo pang magpunta sa spa para mag-relax? Kahit sa bahay lang ay magagawa mo ito, sa tulong ng iba’t ibang uri ng halaman.

Kaapag nahihirapan kang mag-relax sa bahay sa di malamang dahilan, baka naman kulang lang ng halaman ang iyong bahay. Malaki ang naitutulong ng mga luntiang nilalang na ito dahil nagagawa nilang mas  maging maaliwalas ang paligid. Bukod pa dyan ay naglalabas din ito ng sariwang hangin, habang ina-absorb naman ang carbon dioxide (CO2) o polusyon sa hangin. Lalo na sa siyudad na punong punong polusyon, halaman ang solusyon. Hindi ba’t tunay itong kapaki-pakinabang?

Dahil sa napakaraming sasakyan na nagbubuga ng maiitim na usok sa siyudad ay dumudumi ang hangin sa paligid at napupuno ito ng toxics. Idagdag pa ang pagsusunog ng mga fossil fuels, mga usok mula sa mga pabrika, at iba pa, lalong dumudumi ang hangin kaya nagkakaroon ng air pollution. At dahil wala namang pisikal na katawan ang hangin at malaya lamang na paikot ikot sa paligid, malaki ang posibilidad na makapasok ito sa ating tahanan. Kaya minsan, mayroon tayong pakiramdam na parang hindi komportable ang ating paligid. Minsan pa nga ay parang nagkakati ang ating balat at ilong dahil dito, na siyang dahilan kung bakit hindi tayo makapagpahinga ng mabuti.

Bukod sa hindi na tayo makapag-relax, naaapektuhan pa ang ating kalusugan. Kapag nalanghap natin, o na-expose tayobsa sobrang polusyon ay tiyak na tayo ay makakakuha ng iba’t ibang uri ng sakit. Ang nakakatakot pa ay wala tayong takas sa air pollution dahil gaya nga ng nabanggit, malaya itong paikot ikot sa paligid at nakakapasok pa sa ating bahay. Ngunit, hindi man natin matatakasan ang bantang ito, maaari naman natin itong bawasan. Paano? Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga halaman sa ating bahay. Mababawasan mo na ang polusyon, magagawa mo pang makapagpahinga at makapag-relax ng maayos.

Upang lumaki ang mga halaman ay sumasailalim sila sa proseso ng photosynthesis. Dito ay nangangailangan sila ng sunlight, CO2 o Carbon Dioxide, pati na rin ng tubig. Dahil sa prosesong ito kaya ina-absorb ng mga halaman ang maduming hangin na siya namang nagpapalinis sa hangin sa paligid. Bukod pa riyan, pagkatapos ng photosynthesis ay naglalabas pa ng oxygen o malinis na hangin ang mga halaman.

Kaya mapapansin natin na sa lugar kung saan maraming mga puno at halaman ay malamig at malinis ang simoy ng hangin. Sa sulating ito ay magbibigay kami ng iba’t ibang mga rekomendasyon kung anong mga halaman ang maaari ninyong ilagayan sa inyong mga tahanan upang malinis ang hangin at mawala ang polusyon. Ituloy mo lamang ang pagbasa, kaibigan, at malalaman mo kung ano ano nga ba ang mga ito na makakatulong hindi lamang sa paglilinis ng kapaligiran, kundi pati na rin sa pagpapahaba ng ating buhay.

SPIDER PLANT. Ang spider plant ay isa sa mga pinakamadaking alagaang halaman na maaari nating ilagay sa ating bahay. Ito ay dahil hindi nangangailangan ng masyadong atensyon at pag-aalaga ang halamang ito. Isabit mo lamang ito sa may bintana, o kaya ay ilagay sa  paso at ipatong sa may lamesa at hayaang masinagan ng araw. Hindi mo na rin ito kailangang diligan ng madalas dahil kaunting tubig lamang ag sapat na upang lumaki ito. Kahit kaunting alaga lamang ang ibigay mo ay maabikis itong lumaki. Sa katunayan nga ay tinatawag pa itong “airplane plant”  dahil sa haba at hugis ng mga dahon nito kahit pa hindi ito masyadong bigyan ng atensyon.

ENGLISH IVY. Ito ay isang halamang gumagapang na karaniwan nating makikita bilang mga dekorasyon sa mga halamanan o gardin. Ngunit maaari mo rin itong ilagay sa dingding ng iyong bahaay dahil hindi naman ito nangangailangan ng maraming sinag ng araw. Madali lang din itong alagaan at kahit hindi pa diligan araw araw kaya kahit makakalimutin ka ay tiyak na hindi ito mamamatay. Kapag naglagay ka ng English Ivy sa iyong bahay ay tiyak na mabbawasan ang madumig hangin sa paligid dahil pinupuksa nito ng ang mga “formal dehyde”, na nakkasama rin sa ating kalusugan. Isa pa, dahil nga maaaring gamitin bilang dekorasyon ang halaman ito ay mas nagiging maaliwalas at maganda ang iyong paligid o tahanan. Sa pamamagitan nito ay mas magagawa nating magrelax sa isang malinis na kapaligiran.

BOSTON FERN. Ang polusyon sa hangin ay hindi lamang nagtataglay ng isang kemikal. Marami ang mga ito gaya na lamang ng xylene, formal dehyde  at benzene. Para maalis ang mga kemikal na ito sa hangin, inirerekomendda namin na maglagay ka ng Boston Fern sa iyong tahanan. Ang halamang ito ay may kakayahang i-filter ang mga masasamang komponent ng hangin na ito at palitan ng malinis na hangin. Yun nga lang, kailangan nito ng mabuting pag-aalaga.. Kailangan madiligan ito araw araw at saka mabigyan ng sapat na sinag ng araw. Gayunpaman, maganda ang itsura nito kaya mas nagiging maaliwalas din ang paligid at lumilinis pa ang hangin na iyong nalalanghap.

PEACE LILY. Ang Peace Lily ay isang kaaya ayang halaman na ang mga dahon ay kulay puti at tumutubo ng tila issang kabibe o shell. Dahil sa magandang anyo nito ay mainam itoo na ilagay bilang dekorasyon sa ating bahay. Gaya ng mga nauna ay kaya din nitong linisin ang formal dehyde sa hangin at palitan ito ng oxygen. Ang halamang ito ay madali lamang alagaan dahil hindi nito kailangan ng masyadong atensyon. Maaari mo itog ilagay sa may bintana o sa lugar na direktang nasisikatan ng araw, dilin paminsan minsan, at magiging ayos na ito. Maanong ilayo lamang ito sa mga lugar na abot ng mga bata o alagang hayop dahil kapag nakain ang dahon nito ay maaari silang magkasakit.

ALOE VERA. Kilala ang Aloe Vera o Sabila dahik sa napakarami nitong benepisyong medikal. Ginagamit itong sangkap sa mga shampoo na nabibili natin dahil kaya nitong palambutin at pagandahhin ang buhok ng tao. Ngunit, hindi lamang iyan ang kayang ibigay ng Aloe Vera. Bilang halaman ay kaya rin nitong linisin at pagandahin ang paligid. Ito ay madali lang din alagaan kaya naman, inirerrkomenda rin ang paglalagay nito sa bahay.

WEEPING PIG. Ang halamang ito ay madali lamang alagaan kaya naman kahit na ikaw ay maraming ginagawa ay hindi mo rin ito mapapabayaan. Ang weeping pig ay nagmula Southeast Asia na karaniwang hindi gaanong lumalaki ng pisikal kaya ginagawa itong mga bonzai. Ang paglalagay nito sa bahay ay makakatulong upang mabawasan ang polusyon at napapalamig nito ang hangin sa paligid.

Ilan lamang ang mga ito sa mga halaman na maaari mong ilagay upang maging malinis ang hangin sa kapaligiran at ikaw ay makapagpahinga ng matiwasah. Ibahagi ang kaalamang ito sa inyong mga kakilala at tulungan din silang mabawasan ang polusyon sa kanilang bahay.

Leave a Reply