10 Pinaka-karaniwan gawain natin na nakakasira sa ating Kidneys

0
1951

Ang kidney ay kilala bilang isa sa mga pinaka importante at pinaka napapakinabangang parte ng katawan ng tao. Ito ay mayroong kakayahan na linisin ang mga toxins na siyang matatagpuan sa dugo at tinutulungan din nito ang katawan upang salain ang mga dumi sa pamamagitan at tulong ng pagihi. Tinatanggal din nito ang sobrang tubig sa katawan ng tao at mayroong pagkakataon na kung saan iniimbak din ito kung kinakailangan. Kinokontrol din ng kidneys ang antas ng phosphate, calcium at iba pang mga minerals sa loob ng katawan.

Idadag mo pa ang kakayahan nito na makatulong sa pagpapanatili ng wastong antas ng blood pressure at maging sa produksyon ng red blood cells na siyang nagdadala ng mga nutrients at oxygen sa buong katawan ng tao.

Sa kabilang banda, katulad ng lahat ng parte ng katawan ng tao, mayroon talagang mga pagkakataon na kung saan nagkakaroon ng problem at hindi magandang kondisyon ang iyong kidney at kung mangyayari iyon, narito ang ilan sa mga sintomas na iyong dapat tandaan: pagbabago ng dami at ng kulay ng ihi, pagsusuka, pagkahilo, hirap sa paghinga, anemia, pagkapagod, mabahong hininga, madalas na nilalamig, biglaang pananakit ng katawan at maging ang pangangati ng balat.

Kung nararanasan mo ang isa o higit pa sa mga sintomas na ito, agad ka ng magpakonsulta sa iyong doktor. Mayroong napakaraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema at pagkasira sa kidney ng tao at ang ilan sa mga ito ay hindi natin namamalayan na siyang nakaugalian na nating gawin na lingid sa ating kaalaman ay hindi na pala nakabubuti para sa kalusugan ng tao.

Sa artikel na ito, aming ibahahagi sa inyo ang ilan sa mga bagay na siyang madalas na gawin ng tao na siya ring nakasisira sa kalusugan ng kanilang mga kidneys sa hindi inaasahang panahon at pagkakatao. Sabay sabay nating alamin kung ano ang mga ito upang hindi na muling gawin pa at upang magkaroon ng malulusog na kidneys.

NARITO ANG SAMPUNG (10) COMMON HABITS NA NAKASISIRA NG KIDNEY:

  • Pagpigil sa ihi

Dahil sa masyadong natatagalan ang ihi sa loob ng iyong bladder, dumarami ang bacteria na nandito at maari itong maging sanhi ng kidney o Urinary Tract Infection na kilala rin bilang UTI, urinary incontinence at maging ng renal failure.

  • Kakulangan sa paginom ng tubig 

Kapag hindi tama at sapat ang dami ng tubig na iyong iniinom ay maari itong makabuo ng dugo at maari rin nitong mabawasan ang daloy ng dugo sa iyong kidneys. Dahil dito, hihina ang kakayahan ng iyong kidneys na tanggalin ang toxins sa loob ng iyong katawan na maaring magdulot ng maraming uri ng sakit.

Ang nirerekomenda na dami ng tubig na dapat naiinom sa loob ng isang araw ay nasa sampu (10) hanggang sa labing dalawang (12) baso ng tubig. Tiyakin mo lamang na huwag kang iinom ng sobra pa sa kinakailangan dahil hindi rin maganda ang bagay na ito para sa iyong kalusugan.

  • Madalas at maraming pagkonsumo ng asin 

Ang madalas at maraming paggamit o pagkonsumo ng sobrang asin ay sobrang masama para sa kalusugan ng iyong kidneys. Ito ay mayroong kakayahan na puwersahin ang iyong kidney ng sobra na maaring magdulot ng pagkasira sa mabuting pagtakbo nito ng dahil lamang sa sobrang sodium sa loob ng iyong katawan. Maari din itong makapagdulot ng water retention na siyang maaring maging dahilan kung bakit tumataas ang iyong blood pressure o madalas na dahil ng pagkakaroon ng sakit sa bato.

Kapag mas marami na ito sa halos limang (5) grams ay nakakasira na ito sa kidney sa iyong kalusugan. Ang isang kutsarita ng asin ay sinasabing umaabot sa halos anim (6) na gramo.

  • Palaging paggamit ng analgesics

Napakaraming bilang ng mga tao ang siyang gumagamit ng analgesic o mas kilala bilang over the counter painkillers upang mabawasan lamang ang pamamaga, lagnat at maging ang sakit na siyang nararamdaman ng katawan. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami na nakakasama ito para sa kalusugan ng iyong kidneys at para sa iba pang organs ng iyong katawan. Ayon sa isang pananaliksik na siyang isinagawa, ang analgesic ay mayroong kakayahan na bawasan ang daloy ng dugo sa kidney na siyang nagiging dahilan ng pagkasira nito. Ang madalas at matagalang paggamit nito ay nagreresulta sa acute kidney injury o interrupt nephritis na kilala bilang isang chronic kidney disease.

  • Diet na mataas na protein

Ang sobra at madalas na pagkain ng mga pagkain na protein based katulad na lamang ng red meat ay maaring makapagdulot ng kidney disease. Ang nitrogenous waste sa katawan ay gawa ng protein digestion at tinatanggal ito ng ating kidney. Ang mataas na pagkonsumo ng mga protein ay tinataasan ang glomerular pressure at ng hyper filtration na siyang nagreresulta naman sa pagtaas ng metabolic load ng kidneys na maaring maging dahilan ng mga problema sa kidneys.

  • Sobrang paginom ng alak 

Ang alak ay nagsisilbi bilang isang uri ng toxin na siyang nakakapagdulot ng malaking stress sa parehas na atay at bato. Ang sobrang paginom nito ay madalas na nagiging dahilan ng pagbuo ng uric acid sa renal tubes at ito ay maaring magresulta ng tubular obstruction na siyang magpapatuloy sa kidney failure. Ito rin ay maaring magdulot ng dehydration at nagiging sagabal pa sa magandang pagtakbo ng mga kidneys. Kung hindi talaga maiiwasan ay uminom lamang ng tamang dami, isang (1) bote para sa mga babae at para sa mga matatanda. Dalawang (2) bote naman para sa mga lalaki.

  • Paninigarilyo 

Hindi lamang nakakasama ang bisyo na ito para sa iyong kidneys dahil nakakasama ito para sa kalusugan ng buong katawan. Ang paninigarilyo mayroong kakayahan na makapagpataas ng heart rate at blood pressure. Binabawasan din nito ang daloy ng dugo sa blood vessel sa kidney. Mas pinapalala rin nito ang sakit sa kidneys at pinapabilis ang pagkasira nito. Higit sa lahat, hindi ito maganda para sa kalusugan ng iyong baga na siyang madalas na dahilan ng pagkakaroon ng kanser sa baga.

  • Sobrang caffeine

Ang sobrang caffeine ay hindi rin maganda para sa katawan at kalusugan ng tao. Kapag nasobrahan ka dito, maaring tumaas ang iyong blood pressure na siya namang dadagdag ng trabaho para sa iyong kidneys. Sa paglipas ng panahon, maari itong magdulot ng pagkasira ng iyong kidneys. Ang caffeine ay nagdadagdag ng antas ng calcium sa iyong ihi.

Kung hindi talaga maiiwasan ay uminom lamang ng wastong dami nito. Tatlong (3) cups ng tea, isa (1) hanggang sa dalawang (2) cups ng kape, isa sa uaga at isa sa gabi. Iwasan na rin ang sobrang paggamit ng ibang sources ng caffeine katulad na lamang ng energy drinks, cocoa, soft drinks, chocolate at ilang mga medikasyon.

  • Hindi pagbibigay ng pansin sa mga pangkaraniwang impeksyon 

Ang madalas na hindi pagpansin sa mga simple at karaniwang mga impeksyon katulad na lamang ng ubo, sipon, flu, tonsillitis, pharyngitis at iba pang uri ng mga impeksyon ay maaring magdulot ng seryoso at malalang sakit sa kidneys. Kapag hindi mo ito nabigyang pansin at lunas ng mas maaga, ang mga viruses at bacteria dito ay maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasira ng iyong mga kidneys.

  •  Kakulangan ng oras ng tulog 

Ang anim (6) hanggang walong (8) tagal ng tulog sa pang araw araw ay lubhang napaka importante para sa kalusugan ng isang tao. Ang katawan ay dumadaan sa regeneration phase na kung saan habang ikaw ay natutulog at kapag hindi wasto ang oras ng nito ay maaring makaapekto sa mga organs sa loob ng katawan ng kagaya na lamang ng mga kidneys.

Ang hindi wastong oras at kalidad ng tulong ay maari ring maging sanhi ng clogging ng arteries at maging ng high blood pressure na siyang nakakapagpataas ng tsansa sa pagkasira ng kidneys.

Leave a Reply